• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pinas, magpoprotesta-PBBM

IPO-PROTESTA mapanganib na pagmamaniobra” ng Pilipinas ang kamakailan lamang na probokasyon ng Tsina matapos na magsagawa ng “pangha-harassed, pagharang, paggamit ng water cannons, at pagsasagawa ng ang China Coast Guard (CCG) at Chinese Maritime Militia (CMM) vessels para illegal na hadlangan ang routine ng Philippine resupply at rotation mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

 

 

      Sinabi ng Pangulo na ang kamakailan lamang na aksyon ng Tsina ay hindi naman dahilan para kagyat na ipanawagan ang Mutual Defense Treaty (MDT) sa Estados Unidos.

 

 

      “However, we continue to view with great alarm this continuing dangerous maneuvers and dangerous actions that are being done against our seamen, our Coast Guard. And this time, they damaged the cargo ship and caused some injury to some of our seamen and I think that we cannot view this in any way but in the most serious way,” ayon sa Pangulo.

 

 

      “Once again, we will make our objections known and hope that we can continue to communicate to find a way so that such actions are no longer seen in the West Philippine Sea,” dagdag na wika nito.

 

 

Sa ulat, apat na tauhan ng Pilipinas ang nasugatan kasunod ng harassment at mapanganib na aksyon ng Tsina laban sa mga barko ng Pilipinas na naghahatid ng suplay sa mga tropang Filipino na nakapuwesto sa Ayungin Shoal.

 

 

      At nang hingan naman ng reaksyon ukol sa napaulat na namataang Chinese research vessels sa Benham Rise, winika ng Pangulo na malinaw na pagpasok ito sa Philippine maritime territory nang walang pahintulot at ito’y “of great concern.”

 

 

      Ang presensiya aniya ng Chinese ships sa lugar ay hindi kailangan dahil kung totoo na ito’y research vessel, ang magkabilang panig ay magkakaroon ng simpleng kasunduan para sa research vessels na lumayag sa Philippine waters at magsagawa ng pagsasaliksik.

 

 

      “However, there is a suspicion that they are not only research vessels so, again, this is a bit of an escalation of the tension that is present in the West Philippines Sea,”diing pahayag nito. (Daris Jose)

Other News
  • LAGUSNILAD UNDERPASS MAKE-OVER SINIMULAN NA – ISKO

    INANUNSIYO ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sinisimulan na ang rehabilitasyon at make-over ng Lagusnilad Underpass na malapit sa Manila City Hall, upang maging kaaya-aya sa paningin ng mga motorista lalo na sa gabi.   Nabatid na binigyan ng direktiba ni Moreno si City Engineering Department Head Engineer Armand Andres na simulan na […]

  • National govt, mapipilitang gumamit ng puwersa laban sa mga taong magpipilit na ihiwalay ang Mindanao sa Pinas

    MAPIPILITAN ang national government na gumamit ng kapangyarihan at puwersa laban sa mga taong magtatangka na ihiwalay ang Mindanao mula sa Pilipinas gaya ng ipinanawagan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.     “The National Government will not hesitate to use its authority and forces to quell and stop any and all attempts to dismember […]

  • Malacañang tikom sa pagtaboy ng barko ng China sa lantsa ng Pinas

    Tikom ang Malacañang sa napaulat na pagtaboy ng isang armadong barko ng China sa isang civilian vessel kung saan nakasakay ang crew ng ABS-CBN sa West Philippine Sea.     Ipinauubaya ni Presidential spokesperson Harry Roque sa Department of Foreign Affairs at sa Department of National Defense ang nasabing isyu.     Iniulat noong Huwebes […]