• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LAGUSNILAD UNDERPASS MAKE-OVER SINIMULAN NA – ISKO

INANUNSIYO ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na sinisimulan na ang rehabilitasyon at make-over ng Lagusnilad Underpass na malapit sa Manila City Hall, upang maging kaaya-aya sa paningin ng mga motorista lalo na sa gabi.

 

Nabatid na binigyan ng direktiba ni Moreno si City Engineering Department Head Engineer Armand Andres na simulan na ang rehabilitation na nasabing underpass na napakarumi, mabaho at madilim.

 

Ang Lagusnilad Underpass ay isang vehicular underpass na patungo sa Southbound o Taft Ave. kung manggagaling sa Jones Bridge sa Binondo o Quezon Bridge sa Quiapo.

 

Nalaman kay Moreno na inalis na ang mga sira sirang tiles at papalitan na upang ang mga dumi na buhat sa mga dumadaang sasakyan ay hindi didikit sa pader na pangit sa paningin.

 

Sinabi ng alkalde na bahagi ng plano ay pinturahan ang underpass at pailawan ito para sa kapakanan ng mga motoristang dumadaan lalo na sa gabi.

 

Sinabi ni Andres na kasama rin sa plano ni Moreno na pintahan ng mural ang pader habang ang signage ay pipintahan ng kulay gold na may kumpletong maliwanag na mga ilaw para magabayan ang motorista.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Andres na ang suliranin sa pagbaha sa nasabing underpass ay naresolba na dahil nai-transfer na ang pump at electrical room sa itaas mula sa dati nitong puwesto nasa ilalim ng underpass. Sa dati nitong lugar, ang performance ng pump ay madalas na pumapalya kapag ito ay nababasa.

 

Sa kasalukuyan, sinabi ni Andres na sinusuri ang underpass sa posibleng tagas matapos na ito ay lagyan ng aspalto.

 

Ang Lagusnilad Underpass ay para sa mga sasakyan patungong Taft o P. Burgos Avenue habang ang Manila City Hall Underpass na nagdudugtong sa City Hall saTaft at Intramuros na muling binuksan sa publiko matapos ang total make-over ay isa namang underground na daanan para sa mga pedestrian.

 

Nalaman rin kay Moreno na ang Lawton Underpass na nagdudugtong sa  Park ‘N Ride area sa Intramuros ay isasailalim din sa renovation upang higit na magamit ng publiko. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Kilig na kilig ang aktres at siguradong iiyak nang husto: JOMARI, pangarap na makitang ‘walking down the aisle’ si ABBY

    INAMIN ng aktor/car racer at Parañaque City Councilor na si Jomari Yllana na nasa plano na niya na pakasalan si Abby Viduya.     Ayon kay Jom, matagal na nila itong napag-uusapan na kanyang beautiful pa rin na partner.     Natanong nga ang celebrity couple sa media con ng Paeng Nodalo Memorial Rally na […]

  • Contingency fund ng OP, hindi gagamitin para sa pangangampanya

    TINIYAK ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na hindi niya gagamitin ang contingency fund ng Office of the President (OP) para pondohan ang pangangampanya ng mga kandidato ng administrasyon sa Eleksyon 2022.   Ang pagtiyak na ito ni Pangulong Duterte ay sa gitna ng napaulat na natuklasan ng Commission on Audit (COA) na may […]

  • NADINE, patuloy na lumalaban sa mga kumplikasyon tuwing nagbubuntis at muntik nang makunan

    PATULOY na lumalaban ang aktres na si Nadine Samonte sa mga nagiging kumplikasyon tuwing nagbubuntis siya.     Sa pinost ng former Kapuso actress via Facebook, muli niyang pinagdaraanan sa kanyang ikatlong pregnancy ang hormonal disorder na Polycystic ovary syndrome or PCOS at Antiphospholipid or APAS.     According to the Mayo Clinic website: “PCOS […]