• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tsina, itinanggi na hina-harass ang Pinas

MARIING itinanggi ng Tsina na hina-harass nito ang Pilipinas sa kabila ng napaulat na agresyon na ginawa nito sa Philippine vessels, kabilang na ang mapanganib na pagmaniobra, araw ng Martes, Marso 5 na nauwi sa banggaan ng mga barko ng magkabilang panig.

 

 

      “There is no such situation of China ‘harassing’ the Philippines,” ayon kay China’s Foreign Ministry spokesperson Mao Ning.

 

 

      Gayunman, wala pang 24 oras mula nang sabihin ni Mao ang kanyang pahayag, isang video ang ipinalabas ng Philippine Coast Guard na salungat sa posisyon ni Mao.

 

 

      Makikita sa video na hinaharang ng China Coast Guard (CCG) vessel ang ruta ng mas maliit na barko ng Philippine counterpart nito.

 

 

      “Their reckless and illegal actions led to a collision between MRRV-4407 and China Coast Guard 21555 that resulted to minor structural damage to the PCG vessel,” ayon kay PCG spokesman Jay Tarriela sa kanyang X account.

 

 

      Nauna rito, sa isang panayam kay Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa Melbourne, hinikayat nito ang Tsina na “stop harassing us.”

 

 

“If Beijing would refrain from its harassment, then “there wouldn’t be any news to report” about its aggressive activities,” dagdag na pahayag ni Manalo.

 

 

Ang ganting tugon naman ng Tsina ay “the reason behind the recent maritime developments,” na halos nauugnay sa mga aksyon nito sa tubig “is that the Philippines has frequently made provocative moves in the South China Sea, infringing on China’s territorial sovereignty and maritime rights and interests.”

 

 

      “China has taken necessary measures in accordance with law to defend its own sovereignty, rights and interests,” ayon pa rin kay Mao.

(Daris Jose)

Other News
  • 3 nalambat sa buy bust sa Caloocan at Valenzuela

    Kulong ang tatlong hinihinalang drug pushers matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal […]

  • Mga simbahan, inirekomenda para maging COVID-19 vaccination site

    Ikinokonsidera na rin ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang panukala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na gamitin ang mga simbahan bilang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccination site.     Ayon kay DOH (Department of Health) Usec. Maria Rosario Vergeire, sa huling meeting nila ay inirekomenda ng NITAG ang mga simbahan […]

  • NCR ‘Plus,’ inilagay na sa MECQ mula April 12 hanggang April 30, 2021

    Matapos ang dalawang linggong pagbalik sa enhanced community quarantine (ECQ) sa ilang lugar sa bansa, ibinaba na muli ng pamahalaan sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang NCR (National Capital Region) at apat na karatig probinsya.     Sa anunsyo ni Presidential spokesperson Harry Roque ngayong Linggo ng hapon, epektibo ang MECQ sa tinaguriang NCR […]