• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, interesado sa ‘fisheries deal’ sa Marshall Islands

INTERESADO si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na isulong ang ‘fisheries cooperation’ sa pagitan ng Pilipinas at Marshall Islands.

 

 

Nabanggit ni Pangulong Marcos ang ideyang ito nang bisitahin siya ni Marshall Islands President Hilda Heine sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

“We welcome President Hilda Heine, President of the Republic of the Marshall Islands (RMI), as she undertakes a visit to the Philippines,” ayon kay Pangulong Marcos sa Facebook post.

 

 

“Expanding on our 35-year bond with the RMI, we look forward to advancing a fisheries cooperation agreement and bolstering Pacific cooperation.”aniya pa rin.

 

 

Sa nasabing miting, nangako sina Pangulong Marcos at Heine sa isa’t isa na palalakasin ang kolaborasyon ng dalawang bansa pagdating sa iba’t ibang larangan gaya ng paggawa, edukasyon at skills training, at agricultural production.

 

 

Sinabi naman ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na ipinaalam ni Heine kay Pangulong Marcos ang plano ng Marshall Islands na bumuo ng labor arrangements sa public at private sectors ng Pilipinas.

 

 

Tinukoy ang milyong dolyar na halaga ng infrastructure projects at recruitment ng mga filipinong manggagawa sa Majuro-based construction firms.

 

 

Ipinaalam din ni Heine kay Pangulong Marcos na nangangailangan din ang Marshall Islands ng medical professionals na dalubhasa sa larangan ng radiology, orthopedic surgery, general surgery at iba pang medical services na ‘hindi available’ sa Pacific island nation.

 

 

“Heine, who is in the country to attend the International Women’s Day event organized by the Asian Development Bank (ADB), said her country is also looking for support from the Philippine government on seaweed farming, as her country diversify people’s livelihood amid the threats posed by climate change that triggers sea level rise,” ayon kay Garafil.

 

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Heine na nais niya na ang mga komunidad sa Marshall Islands ay mag-alaga ng seaweed bilang alternatibong source of income sa kabila ng karamihan sa mga ito ay gumagawa ng kopra.

 

 

Para sa Pangulo, maganda ang ideya ni Heine dahil ang demand o pangangailangan para sa ‘seaweed products’ ay nananatiling mataas.

 

 

Samantala, binisita ni Heine ang Pilipinas matapos na manumpa siya bilang Pangulo ng Marshall Islands nito lamang Enero.

 

 

Tinatayang may 1,500 Filipino ang nagtatrabaho sa Marshall Islands sa larangan ng “clerical support, craft and trade, machine operators, at professionals, bukod sa iba pa. (Daris Jose)

Other News
  • LTO hiniling na suspendihin ang NCAP

    HINILING  ng Land Transportation Office (LTO) sa mga lokal na pamahalaan na suspendihin muna ang pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) habang ang mga regulasyon ay inaayos at nirerepaso pa.       Ito ay sa gitna ng mga reklamo mula sa mga public utility vehicle drivers at mga pribadong may-ari ng mga sasakyan.   […]

  • Pumirma ng pre-nup agreement ang dalawa: Anak nina DAVID at VICTORIA BECKHAM na si BROOKLYN, ikinasal na kay NICOLA PELTZ

    NAGING mas makabuluhan ang 16th birthday ng Sparkle star at bida ng Raya Sirena na si Sofia Pablo.     Imbes na magkaroon siya ng bonggang birthday celebration, simple lang daw ang naging celebration niya sa bahay at ang maraming natanggap niyang regalong pagkain mula sa kanyang mga kaibigan, kamag-anak at sponsors sa social media […]

  • “POKWANG” todas sa pamamaril sa Caloocan

    BUMULAGTA ang duguan at walang buhay na katawan ng 34-anyos na babae matapos barilin sa mukha ng hindi kilalang suspek sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng bala sa mukha ang biktima na nakilala lang sa alyas ‘Pokwang’, 34, at residente ng Barangay 28 ng nasabing lungsod.   […]