Miyembro ng ‘Parojinog Group’, timbog sa Valenzuela
- Published on March 9, 2024
- by @peoplesbalita
NALAMBAT ng pulisya ang isang wanted person na miyembro ng ‘Parojinog Group’ matapos matunton sa kanyang pinagtataguang lugar sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni District Special Operation Unit (DSOU) chief P/Lt. Col. Robert Sales kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa pinagtataguang lugar ng akusado na si alyas ‘Jose’.
Alinsunod sa inilatag na agenda ng PNP Chief na “Aggressive and Honest Law Enforcement Operations”, agad nagsagawa ang DSOU sa pangunguna ni P/Major Marvin Villanueva, kasama ang mga tauhan ng NPD-DID at NDIT-RIU NCR ng joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-5 ng hapon sa Lamesa Brgy. Ugong, Valenzuela City.
Ani Major Villanueva, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Merianthe Pacita M Zuraek ng Regional Trial Court Branch 51, Manila noong February 22, 2021, para sa kasong Robbery by a Band under Art. 294 (5) in relation to Art. 295 and Art. 296 or Revised Penal Code as Amended.
Pansamantalang ipiniit ang akusado sa NPD-CFU sa Langaray Street, Kaunlaran Village, Barangay 14, Caloocan City habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (Richard Mesa)
-
POLO, magiging daddy na rin dahil buntis ang kanyang fiancee na si PAULYN
IDAGDAG pa si Polo Ravales sa magiging daddy sa taong ito dahil buntis na ang fiancee nitong si Paulyn Quiza. Sa kanyang Facebook account, pinost ng former teen star ang ultrasound ng kanilang baby. Masayang-masaya si Polo dahil natupad na ang matagal na nilang hinihiling ni Paulyn. “Thank You Lord for […]
-
3K KABATAAN NABAKUNAHAN NA
UMABOT na sa mahigit na sa tatlong libong mga kabataan ang naturukan laban sa COVID-19. Sa datos ng Department of Health, nasa 3,416 na nasa edad 12-17 na may comorbidities ang nabakunahan na sa pilot implementation na nagsimula noong Biyernes Isinagawa ang pilot run ng vaccination sa pediatric group […]
-
PAGBUBUKAS NG MANILA NORTH CEMETERY, INILATAG NA
PINAGHAHANDAAN na ng pamunuan ng Manila North Cemetery (MNC) para sa muling pagbabalik ng tradisyunal na paggunita ng “Undas” . Ayon kay Roselle Castaneda, hepe ng MNC, batay sa kanilang inilatag na kalendaryo, simula bukas Oktubre 1 hanggang Oktubre 25 ay bukas ang MNC mula alas 5 ng umaga hanggang alas 5 ng […]