• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil hindi pa tapos ang buhay… GELLI, hoping pa rin sa KathNiel dahil nagkabalikan sila ni ARIEL nang mag-break

ANG huling proyekto ni Gelli de Belen ay ang ‘2 Good 2 Be True’ ng Kapamilya Channel noong 2022. 

 

 

Bida rito sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, na tulad ng alam na ng lahat ay hiwalay na matapos ang labing-isang taong relasyon.

 

 

Hiningan namin si Gelli ng reaksyon tungkol sa breakup ng KathNiel.

 

 

Lahad ni Gelli, “Oo nga. It’s unfortunate pero tingin ko parang lahat naman tayo sa buhay, di ba parang, we all go through heartbreak and changes.

 

 

“And maybe ito yung time para sa kanila… mga bata pa yang mga yan, kung nauukol bubukol, malay mo?

 

 

“Pero kung hindi maybe it’s time for them to do other things and discover themselves. Feeling ko more than anything sa kanila parang, baka iyon ang pinaka-importante.”

 

 

Kanino siya mas close, kay Kathryn o kay Daniel?

 

 

“Well both… maybe because siyempre kaibigan ko si Karlalu [Karla Estrada na ina ni Daniel], pero siyempre, si Kath baby girl ko iyan sa 2 Good 2 Be True so mas madalas ko nakakasama si Kath.

 

 

”Siyempre pag girl di ba mas open? Pero si DJ [Daniel], si DJ yan e, parang pamangkin ko na rin yan, e, so ano yan…”

 

 

So kanino siya mas kampi o nakikisimpatiya?

 

 

“Wala! Wala, wala, wala. Wala, none at all.”

 

 

Noong nagte-taping sila ng ‘2 Good 2 Be True’ wala bang naikuwento sa kanya si Kathryn?

 

 

“Wala naman.”

 

 

At dahil isa sina Gelli at mister niyang si Ariel Rivera sa pinakamatibay at matatag na relasyon sa showbiz, ano ang maaaring ibahagi ni Gelli sa mga mas nakakabatang showbiz couples para magtagal rin ang pagsasama?

 

 

“Siguro talagang ano, pag mahal mo ang isang tao, kapag nahihirapan kang masyado at sumasama ugali mo baka mamaya… it’s time to move on,” at tumawa si Gelli.

 

 

“But pinaka-importante talaga,” pagpapatuloy pa ni Gelli, “yung kumpleto ka na sa sarili mo, huwag mong iaasa sa kanya yung kaligayahan mo.

 

 

“Kailangan maligaya ka on your own. You love yourself, you’re happy to be yourself and happy with yourself, iyon ang importante bago ka puwedeng talagang may makasama na magwo-work.

 

 

“Kasi ang tendency is kung marami kang insecurities, hindi ka happy sa sarili mo, hindi ka proud kung sino ka hahanapin mo sa ibang tao yung happiness at pride na yun, e.

 

 

“Kawawa sila dahil hindi nila maibibigay sa iyo yun ng buung-buo. So kailangan buo ka muna.”

 

 

Ganoon raw sila ni Ariel.

 

 

“Tsaka siyempre pag may mahal ka di ba parang gusto mo talagang mag-give? Huwag kang magbilang, na kung ilan ang ibinigay mo, kung ilan ang ibinigay mong bulaklak, kung ilan ang binigay mo na service sa kanya.

 

 

“Huwag mong bibilangin. Basta if you love someone give it! If it doesn’t come back, it doesn’t come back pero happy ka kasi binigay mo…”

 

 

Sa tingin ba niya ay may pag-asa pang magkabalikan sina Kathryn at Daniel?

 

 

“Hindi pa tapos ang buhay. Kami nga ni Ariel nagkabalikan, e!”

 

 

Isang beses raw silang nag-break ni Ariel noon na umabot ng tatlong buwan bago sila muling nagkabalikan.

 

 

Samantala, 2019 huling napanood si Gelli sa GMA (sa seryeng ‘Beautiful Justice’) at makalipas ang limang taon ay nagbabalik-Kapuso si Gelli bilang host naman ng ‘Si Manoy Ang Ninong Ko’.

 

 

Bakit matagal siyang hindi nagkaroon ng proyekto sa GMA?

 

 

“Well kasi napunta ako sa TV5,” at tumawa si Gelli, “matagal din ako sa TV5, and eventually after TV5 hindi muna ako nag-host.

 

 

“Nag-teleserye, kung anu-ano, pinasok ko. Tapos I’m back,” bulalas pa ng actress/TV host.

 

 

Kasama ni Gelli na mga host ng public service program na Si Manoy Ang Ninong Ko sina Agri Party-list Wilbert Lee, Sherilyn Reyes-Tan at Patricia Tumulak.

 

Mapapanood ito tuwing Linggo, alas siyete ng umaga, sa GMA.

(ROMMEL L. GONZALES) 

Other News
  • Presyo ng itlog sa ibang bansa, tumaas din—DA

    SUMIRIT  din ang presyo ng itlog sa ibang bansa.     Dahil dito, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na hindi “exclusive” para sa Pilipinas ang pagtaas ng presyo ng itlog kundi ito’y  kasalukuyang global issue.     Base sa pinakabagong data ng DA,  sa kanilang price monitoring , makikita rito na ang medium-sized eggs […]

  • Tinamaan ng Omicron, may proteksiyon na vs iba pang COVID-19 variant

    May benepisyong maidudulot ang Omicron COVID-19 variant sa mga tinamaan nito at nakaligtas dahil magsisilbi itong ‘natural vaccine’, ayon sa isang molecular biologist.     Sinabi ni Father Nicanor Austriaco, isang Filipino-American Catholic priest na isa ring molecular biologist sa GoNegosyo Town Hall meeting nitong Miyerkules, ang mga nakarekober sa impeksyon sa Omicron ay magkakaroon […]

  • Pambato ng bansa sa table tennis hindi pa natatapos ang tsansa na makapasok sa Olympics

    Nabigo ang pambato ng bansa sa larong table tennis na makakuha ng spot sa Olympic matapos na sila ay nabigo sa World Singles Qualification Tournament sa Doha, Qatar.     Hindi na nakabangon pa si Rose Jean Fadol sa nakalaban nitong si Margaryta Pesotska ng Ukraine.     Mayroong 11-4, 11-4, 11-3, 11-2 ang naitalang […]