• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Binatilyo, obrero tiklo sa bato at damo sa Valenzuela

DALAWA, kabilang ang 15-anyos na binatilyo ang arestado matapos mabisto ang dala nilang iligal na droga makaraang masita sa pagdadala ng patalim at paglabag sa curfew sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlito Nerit Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., habang nagpapatrolya ang mga tauhan ni Malinta Police Sub-Station (SS-4) Commander P/Cpt. Doddie Aguirre sa pangunguna ni PSMS Roberto Santillan, kasama si Barangay Tanod EX-O Mark Guerrero sa Masipag St., Pinalagad, Brgy. Malinta nang maispatan nila si alyas ‘Roger’, 49 ng Brgy. Arkong Bato na may bitbit na patalim, dakong alas-10 ng gabi.

 

 

Nang lapitan nila para kunin ang dala nitong patalim ay pumalag ang suspek subalit, nagawa din siyang maaresto ni Santillan kung saan nakuha sa kanya ang nasabing patalim at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,040.00.

 

 

Bandang ala-1:45 naman ng madaling araw nang masita ng mga tauhan ni Police Sub-Station 5 Commander P/Cpt. Robin Santos ang isang binatilyo na si alyas ‘Totoy’ habang nagbibisikleta sa kahabaan ng Coloong Road 2, Brgy. Coloong dahil sa paglabag sa City Ordinances (curfew on minors).

 

 

Sa pahayag ng arresting officers, nang kunin ng binatilyo ang kanyang cellphone para tawagan ang mga magulang niya ay nahulog mula sa bulsa nito ang isang plastic na naglalaman ng nasa 10 grams ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P1,200 at isang glass pipe na naglalaman din naturang droga.

 

 

Ani PSSg Nerit, mahaharap si ‘Roger’ sa mga kasong paglabag sa Illegal possessions of bladed, pointed or blunt weapons, Comprehensive of Dangerous Drug Act of 2002 at Article 151 of RPC habang tinurn-over naman sa pangangalaga ng CSWD ang binatilyo. (Richard Mesa)

Other News
  • Sen. Drilon pinahihinto ang implementasyon ng MVIS

    Gustong pahintuin ni Minority Leader Franklin Drilon ang pagpapatupad ng widely criticized na Motor Vehicle Inspection System (MVIS) ng Department of Transportation (DOTr) na ngayon ay hawak ng mga pribadong kumpanya.     Ayon kay Drilon ay huwag lang itong gawing optional kung hindi ay dapat tangalin na rin ang implementasyon dahil ito ay unconstitutional […]

  • Pilipinas, makikinabang sa bakunang dine-develop ng United Kingdom na posibleng malikha sa katapusan ng taon

    TINIYAK ng United Kingdom na nakahanda silang maglaan ng kanilang dine- develop na bakuna sa COVID 19 para sa Pilipinas.   Ito ang inihayag ni Philippine Ambassador to United Kingdom Antonio Lagdameo sa gitna ng aniyay magandang itinatakbo sa progreso ng pagtuklas ng UK ng COVID vaccine.   Ayon kay Ambassador Lagdameo, may binitiwan ng […]

  • Ads July 28, 2023