• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DENR MAY TEMPORARY CLOSURE ORDER LABAN SA ‘CHOCOLATE HILLS RESORT’

NILINAW ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na ilang buwan nang may “temporary closure order” ang isang kontrobersyal na resort na itinayo sa paanan ng Chocolate Hills sa Bohol.

 

 

Laman ng batikos ang The Captain’s Peak Garden and Resort sa gilid ng tanyag na burol, na una nang idineklarang protected area buhat ng Proclamation 1037 ni dating Pangulong Fidel V. Ramos taong 1997.

 

 

“In the case of the Captain’s Peak Resort, the DENR issued a Temporary Closure Order last September 6, 2023, and a Notice of Violation to the project propo- nent last January 22, 20224 for operating without an [Environ- mental Compliance Certificate],” wika ng kagawaran, Miyerkules.

 

 

“As of March 13, 2024, the Regional Executive Director Paquito D. Melicor issued a Memorandum directing PENRO Bohol Ariel Rica to create a team to conduct inspection at Captain’s Peak for its compliance with the Temporary Closure Order.”

 

 

 

Ang naturang proklamasyon ay nagdeklara sa Chocolate Hills bilang isang “national geological monument” at “protected landscape,” na siyang pagkilala sa kakaibang geological formation.

 

 

Paglilinaw ng DENR, mahalag- ang ma-cover ng ganitong prokla- masyon ang nasabing “natural wonder” para sa mga paparating na henerasyon. Nirerespeto naman daw aniya ng gobyerno ang karapatan at in- teres ng landowners para sa mga pribadong lupaing tinituluhan bago maging epektibo ang Proclamation 1037. Gayunpaman, maaaring magpatupad daw ng ilang paghihigpit o regulasyon sa paggamit ng protected area. Ang mga restriksyon at regu- lasyong ito ay inililinaw aniya sa en- vironmental impact statement bago maglabas ng ECC sa mga proyekto.

 

 

“The declaration aimed to preserve the iconic landscape of the Chocolate Hills and promote sustainable tourism while protecting the biodiversity and environmental integrity of the area,” dagdag pa ng tanggapan ng gobyerno. Samantala, nilinaw naman ng Department of Tourism (DOT) na hindi akreditado ng kagawaran ang naturang establisyamento.

 

 

 

Ang matindi pa, ni hindi man lang daw ito nag-apply para rito. “The Captain’s Peak Resort Development in Chocolate Hills is not an accredited tourism estab- lishment under the auspices of the [DOT’s] accreditation system, and there is no pending application for accreditation for the same,” ayon sa pahayag na ipinaskil ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.

 

 

 

“While development is essen- tial for growth and progress, it must be conducted in harmony with environmental and cultural preservation.”

 

 

Hinihikayat din ngayon ng DOT ang mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor at lokal na komunidad na magtulungan para maging sustainable at responsable ang tourism practices para na rin mapanatili ang integridad ng mga “natural heritage” ng bansa. Kilala ang Chocolate Hills sa buong mundo dahil nagmimistula itong bundok ng tsokolate tuwing tag-init. Matatandaang pinangala- nan ang isla ng Bohol bilang un- ang UNESCO Global Geopark ng Pilipinas noon pang 2023.

 

 

 

Agosto nang taong ‘yon nang ireklamo ng ilang Boholano ang pagtatayo ng naturang languyan dahil sa posibleng pagkasira ng lugar, bagay na nakatayo aniya sa pribadong lupain. Kinekwestyon ng ilang social me- dia users ang konstruksyon nito mat- apos kamalat ang isang viral video, dahilan para ipanawagan nang mara- mi ang pagpreserba sa kagandahan ng mga burol. (Daris Jose)

Other News
  • OH, WHAT A DAY… WHAT A LOVELY DAY! TRAILER FOR “FURIOSA: A MAD MAX SAGA,” STARRING ANYA TAYLOR-JOY AND CHRIS HEMSWORTH, DEBUTS

    THIS is her Odyssey. “Furiosa: A Mad Max Saga,” starring Anya Taylor-Joy in the title role, opens only in cinemas 2024. The much-anticipated return to award-winning director George Miller’s iconic dystopian world also stars Chris Hemsworth, Alyla Browne and Tom Burke. Watch the trailer below:        YouTube: https://youtu.be/_oYrCGKX1C4?si=SB3oUFl1Fg6ReiOW About “Furiosa: A Mad Max Saga” […]

  • Alden, ‘di nagpabaya para makatulong sa nabiktima ng Bagyong Ulysses

    NAPAPANAHON ang tema ng GMA Christmas Station ID 2020 na “Isang Puso Ngayong Pasko,” kaya naman hindi kataka-taka na pinusuan ito ng mga unang nakapanood ng launch nito last Monday, November 16, sa 24 Oras sa GMA-7.   Nakakuha agad ito ng 1.6K views, 40K likes, 3.8K comments at 8.8K Shares, here and abroad.   […]

  • TWG, babalangkas ng mga panukala na magpapalakas sa magna carta of small farmers

    Tinakalay ng House Committee on Agriculture and Food ang dalawang panukala na naglalayong palakasin ang Republic Act 7607 o ang Magna Carta of Small Farmers.   Ang House Bill 1007 ay mag-aamyenda sa Seksyon 27, Kapitulo VIII ng  RA 7606, na magpapataw ng mas mabigat na parusa sa sinumang opisyal o kawani ng National Food […]