• April 3, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Panawagan ng Tsina na paghahanda para sa sea row; walang bago-PBBM

WALANG bago sa naging panawagan ni Chinese President Xi Jinping sa armed forces na makipagtulungan para sa paghahanda para sa mga military conflicts sa karagatan.
”Well frankly I don’t think there is anything new there. That’s what they’ve been doing already. They have defined the 10-dash line and they continue to defend it. For our part, we will continue to defend what we…. and the international community has recognized it as our maritime territory,” ayon kay Pangulong Marcos.
”Although he did not, President Xi Jinping did not state that outright until now, that really has really been the policy since I think years already, for the last two or three years. So, I’m not surprised but we will have to continue to do what we can to defend our maritime territory in the face of perhaps of a more active attempt by the Chinese to annex some of our territory,” dagdag na wika nito.
Kamakailan ay nanawagan si Xi sa Chinese military na protektahan ang mga karapatan at interes ng China sa karagatan.
Kinailangan aniyang bumuo ng sistema ng pagtatanggol sa cyberspace at pagbutihin ang kakayahang mapanatili ang seguridad ng national network security.
Sa kabilang dako, sinabi ng Pangulo na hindi binabasura ng Pilipinas ang panukala ng Tsina na lutasin ang usapin sa South China Sea subalit kinukuwestiyon ang premise ng Tsina base sa 10-dash-line map.
Samantala, sa isang joint press conference kasama si German Chancellor Olaf Scholz, ipinahiwatig ni Pangulong Marcos na patuloy na kinukuwestiyon ng Pilipinas ang historical claims ng Tsina.
Matatandaang, kinatigan ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague, Netherlands ang reklamong inihain ng Pilipinas laban sa China hinggil sa pag-aangkin ng teritoryo sa West Philippine Sea.
Batay sa 500 pahinang desisyon ng Arbitral Court, sinasabing walang basehan ang historical rights ng China hinggil sa pag-aangkin nito ng teritoryo sa naturang karagatan.
Nilabag din ng China ang sovereign rights ng Pilipinas alinsunod sa itinatakda ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS kung saan nakapaloob ang exclusive economic zone o EEZ. (Daris Jose)
Other News
  • Grupo ni Manny Pangilinan may planong magkaroon ng buy out sa Ayala’s LRT1 stake

    TULOY ang plano ng Metro Pacific Investments Corp. (MPIC) sa ilalim ni Manny Pangilinan na bilihin ang 35 porsiento investment ng mga Ayalas sa operator ng Light Rail Transit Line 1 (LRT1) upang mas mapalakas ang MPIC’s portfolio na siyang magbibigay daan sa tuluyang pag-bid sa nasabing railway.       “Our company is looking […]

  • Chinese National na may kasong trafficking, naharang

    HINARANG  ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese national na pinaghahanap ng mga awtoridad sa Beijing dahil sa trafficking at pagre-recruit ng mga babaeng Filipina para iligal na magtrabaho sa China.     Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang pasahero na si Tong Jialong, […]

  • Curry, Warriors ginulat sina LeBron at Lakers sa season opener

    Nagtala nang come-from-behind win ang Golden State Warriors upang gulatin ang Los Angeles Lakers, 121-114 sa pagbubukas ng bagong season ng NBA.       Dinala ni Stephen Curry ang Warriors gamit ang triple double performance na may 21 points, 10 rebounds at 10 assists upang makarekober ang team at magtala ng unang panalo.   […]