• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, hangad ang mas maraming kasunduan sa Czech hinggil sa cybersecurity

HANGAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas maraming kasunduan sa Czech government pagdating sa cybersecurity at defense-industrial sector. 
Inihayag ng Pangulo ang mensahe niyang ito nang makipagpulong kay Czech Republic Prime Minister Petr Fiala, Huwebes ng gabi, (Philippine time).
“We continue to pursue and explore the areas that we spoke about before. We, of course, talked about the defense and security and in that vein, we have just, the Armed Forces of the Philippines, as you know, is in the process of modernization of our capabilities and capacities,” ayon kay Pangulong Marcos.
“We continue to explore also in terms of agriculture, cybersecurity, which is something that we spoke about very briefly, but now we put a little bit more, put a bit more meat on the bones of that initial discussion that we have had.” dagdag na wika nito.
Sa nasabing pagpupulong, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang commitment ng Pilipinas na makatrabaho ang like-minded countries sa Europe para pagtibayin ang isang rules-based international order.
Hangad din ng Punong Ehekutibo ang maraming kasunduan sa Czech para sa pagtatatag ng tanggulan para palakasin ang pagtutulungan sa seguirdad, defense-industrial at cyber security.
Pinag-usapan din nina Pangulong Marcos at Fiala na paigtingin ang pagtutulungan sa kalakalan at pamumuhunan, agrikultura, paggawa at climate change, at palakasin ang people-to-people ties sa pamamagitan ng turismo at university-to-university linkages.
Kahalintulad ng kanyang pakikipagtalakayan kay President Petr Pavel, nangako ang Pangulo nang kahandaan ng Pilipinas na makipagtulungan sa gobyerno ng Czech upang masiguro ang maayos na deployment ng mga manggagawang Filipino kabilang na rito ang kanilang maayos na pagsasama sa kanilang mga lugar ng trabaho at komunidad.
Samantala, dumalo naman ang Pangulo sa working lunch na hinost ni Senate President Milos Vystrcil sa Senate of the Parliament kung saan kinilala niya ang kamakailan lamang na
 position pagpapalitan sa pagitan ng Pilipinas at Czech Republic parliaments.
Bahagi namang working lunch si Philippine Senate President Juan Miguel Zubiri kasama si Vystrcil. (Daris Jose)
Other News
  • Babaeng boksingero sa India nag-uwi ng gintong medalya sa World Boxing Championship

    NAGWAGI ng gold medal sa Women’s World Boxing Championship sa Turkey si Nikhat Zareen ng India.     Tinalo kasi nito si Jitpong Jutamas ng Thailand sa score na 5-0 sa flyweight division of the championship.     Ito ang unang gintong medalya ng India sa championship mula ng magwagi si Olympic boxer Mary Kom […]

  • LTO, nagpaliwanag kaugnay ng malapit nang maubos na driver license card

    NAGPALIWANAG ang pamunuan ng Land Transportation Office kaugnay ng nagkakaubusang drivers license card para sa mga kumukuha ng lisensya.     Ayon sa kay Land Transportation Office Chief Jay Art Tugade, hindi na hawak ng kanilang ahensya ang procurement nitong license card.     Sa bisa ng special order ng Department of Transportation nitong January, […]

  • LALAKI HULI SA BANTANG PAGPAPAKALAT NG HUBAD NA LITRATO NG MAGKAPATID

    HUMINGI ng tulong sa pulisya ang magkapatid na dalagita matapos pagbantaan ng isang lalaki na ipapakalat ang edited na hubad nilang larawan.     Sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Judy , nakilala nito ang kanilang kapitbahay na si Balnit Turla Singh , 26, binata at nakatira sa Blk 17-A Baseco Compound, Port […]