• July 4, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Health workers group nanawagan sa DOH na ilabas na HEA

MAINGAY ang panawagan ng ilang grupo ng mga health workers para ilabas na ng Department of Health ang kabayaran sa mga health emergency allowances (HEA) ng healthworkers sa bansa.

 

 

      Matatandaang noong mga nakaraang buwan ay kabi-kabilang rally ang isinasagawa ng mga grupo ng mga healthworkers upang mabayaran na sila ng DOH sa ilang buwan at taon na pagkakautang nito sa kanila.

 

 

      “Ang pondo ay nasa inyo na (DOH) mula noong Enero. Ano ang dahilan kung bakit hindi ninyo naibigay ang HEA para sa mga manggagawa sa pribadong ospital?” ayon kay Ronald Richie Ignacio, tagapagsalita ng United Private Hospital Unions of the Philippines (UPHUP).

 

 

      Ayon sa mga dokumento at datos mula sa Department of Budget and Management (DBM), mahigit P91 billion na ang nailabas nilang pondo sa DOH para mabayaran ang HEA ng mga healthcare workers simula noong 2021.

 

 

      Noong 2021, naglabas ang DBM ng 12.1 bilyong piso para mabayaran ang HEA, mahigit 28 bilyong piso noong 2022, P31.1 billion noong 2023, at P19.962 billion naman noong 2024.

 

 

      Ang huling 19-bilyon ay inilabas ng DBM sa DOH noong Enero 1, 2024, maliban pa sa dalawang bilyong pisong nakalagak para sa HEA sa unprogrammed appropriations.

 

 

      Nakakalungkot anya na sa kabila ng P91-bilyong inilabas na pondo ng DBM, P64-bilyon pa lamang ang naipamimigay ng DOH sa mga healthworkers.

Other News
  • Panibagong batch ng 1-M Sinovac vaccine, dumating na sa bansa

    Nasa Pilipinas na ang karagdagang batch ng one million doses ng Sinovac vaccines na dumating bandang alas-7:36 nitong Linggo ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3.   Lulan ng isang Cebu Pacific flight, sinalubong ito ng vaccine czar na si Carlito Galvez gayundin ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque at ilang […]

  • Ka-loveteam lang at never naging sila: KRIS, ‘di nire-replyan ni ALJUR kaya ‘di pa nakakausap

    IBINAHAGI ng aktres na si Sunshine Dizon na pumanaw na ang kanyang amang si Isagani Bengzon Dizon.     Idinaan ni Sunshine sa pamamagitan ng kanyang social media accounts ang pagkumpirma sa malungkot na kaganapan sa buhay ng kanilang pamilya nito lamang Miyerkules, March 22.     Kaakibat ng anunsiyo ni Sunshine ang isang throwback […]

  • Saludo sa asawa at sa lahat ng mga nanay.: DENNIS, pinasilip na ang first photo ni Baby D na kamukha ni JENNYLYN

    PINASILIP na ni Dennis Trillo ang first photo ng anak nila ni Jennylyn Mercado,na si Baby D sa mismong araw ng mga ina. Caption ni Dennis, “Araw mo ngayon mahal ko, gusto ko lang sabihin na napaka swerte ng anak natin na ikaw ang Mama niya. Deserving ka talaga na magkaroon ng isang pang napaka […]