Kaso ng pertussis, tigdas lumobo – DOH
- Published on March 23, 2024
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ng Department of Health (DOH) ang publiko na magpabakuna matapos ang biglang pagtaas ng bilang ng mga naitatalang kaso ng pertussis o ubong dalahit at measles o tigdas sa bansa.
Sa datos ng DOH, sa unang 10-linggo ng nakalipas na mga taon ay mababa lamang ang naitatalang mga kaso ng pertussis.
Nasa 52 noong 2019 at 27 noong 2020.
Sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic noong 2021, pitong kaso lang habang dalawa noong 2022.
Sa unang taon matapos alisin ang pandemic restrictions nitong 2023, nakapagtala ng 23 pertussis cases, sa kaparehong panahon.
Gayunman, sa unang 10-linggo ng 2024 ay biglang tumaas ang kaso sa 453.
Samantala, hanggang noong Pebrero 24, 2024 naman, nakapagtala ang DOH ng kabuuang 569 measles at rubella cases sa bansa.
Ayon sa DOH, ang disruptions sa routine immunization at primary care noong panahon ng pandemya ang nakikita nilang pangunahing dahilan nito.
Ang Pertussis, na kilala rin sa tawag na whooping cough ay isang highly contagious bacterial respiratory infection na nagdudulot ng influenza-like symptoms ng mild fever, sipon at ubo na tumatagal ng pito hanggang 10-araw matapos ang exposure.
Ang Pertussis ay maaaring gamutin ng antibiotics ngunit pinakamahusay pa rin ang bakuna upang ito’y maiwasan.
Samantala, ang Measles naman o tigdas, ay highly contagious din at madaling maihawa ng mga infected individuals sa pamamagitan ng hangin, partikular na sa pag-ubo at pagbahing.
Kabilang sa mga sintomas nito ay mataas na lagnat, ubo, runny nose, at body rash.
Wala umanong ispesipikong lunas sa virus na nagdudulot ng measles ngunit ang bakuna ang pinakamabisang proteksiyon dito. (Daris Jose)
-
Malonzo kumpiyansa na matatapik sa Top 3
MALAKAS ang loob ni Fil-Am Jamie Malonzo na mapapasama siyang top 3 choice para sa Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 na nakataksa Marso 14. Pakiramdam ng Fil-Am swingman, 27, at 6’7”, na makakaabot siya sa nasabing puwesto buhat sa 97 mga pagpipiliang aplikante na umaasang matatapik para sa pambansang propesyonal […]
-
‘Fantastic Beasts 3’ Officially Titled ‘Secrets of Dumbledore’
WARNER Bros. officially announces that Fantastic Beasts 3, now subtitled The Secrets of Dumbledore, will arrive in theaters in April 2022. First launching in 2016, the Fantastic Beasts films have acted as prequels to WB’s film adaptation franchise of J.K. Rowling‘s Harry Potter novels. The plots for the prequels generally center around Newt Scamander, an employee in the Beasts Division […]
-
Pagpaslang sa human rights activist na si Zara Alvarez, kinondena ng Malakanyang
MARIING kinondena ng Malakanyang ang pagpaslang sa human rights activist na si Zara Alvarez sa Bacolod nitong Lunes. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque na walang puwang sa sibilisadong lipunan ang karahasan partikular na ang pagpatay sa mga aktibista. Kaya nga aniya, kaagad na iniimbestigahan na ng mga awtoridad ang insidente. Sa ngayon ay makabubuting […]