Malonzo kumpiyansa na matatapik sa Top 3
- Published on February 10, 2021
- by @peoplesbalita
MALAKAS ang loob ni Fil-Am Jamie Malonzo na mapapasama siyang top 3 choice para sa Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Draft 2021 na nakataksa Marso 14.
Pakiramdam ng Fil-Am swingman, 27, at 6’7”, na makakaabot siya sa nasabing puwesto buhat sa 97 mga pagpipiliang aplikante na umaasang matatapik para sa pambansang propesyonal na liga na didribol sa bpril 9.
“For the draft, I see myself going one, two. Maybe three,” namutawai kamakalawa sa kanya. “But definitely, for sure, one of the top picks.”
‘Umangas si Malonzo sa 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) 2019-20 para sa fifth placer La Salle Green Archers na rito’y napahanay siya Mythical 5.
May average at isinilang at lumaki sa Seattle, Washington na 15.8 points, 9.9 rebounds, 1.6 assists, at 1.1 steals sa 18 games sa mga basketbolistang taga-Taft.
Sumalang din siya sa Marinerong Pilipino Skippers ng PBA D-League noong Pebrero 2020 tapos siyang maging second choice sa draft at sumagwan ng 23 pt.s, 11 rebs., 6 asts., 4 stls., at block sa debut sa ligang pinatigil lang ng pandemic noong Marso. (REC)
-
Negatibong balita laban sa Sinovac, produkto raw ng pamumulitika ng oposisyon
PARA sa Malakanyang, produkto lamang ng paninira ng oposisyon ang lumalabas na mga impormasyong pinakamahal ang Sinovac sa anim na brand ng COVID-19 vaccine. Ito ang tinuran ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa harap ng sinisimulan ng pag-order ng bansa ng bakuna pangontra sa COVID-19 na kung saan ay inaasahang unang darating ang China made […]
-
TOTAL CASHLESS FARES SA PUBLIC TRANSPORT HUWAG ISULONG – DAPAT MAY OPTION ANG MGA PASAHERO!
Dahil panahon ng pandemya ay marami ang nagsusulong ng cashless transaction para maiwasan ang skin contact at pigilan ang hawaan ng COVID-19. Ok yan! Pero nilinaw ng World Health Organization na wala silang opisyal na pahayag na nakukuha ang virus sa palitan ng pera. Pero sabi nga mas ok na doble ingat tayo. Samantala, yung one […]
-
May bagong serye at show na iho-host: ALDEN, makatatambal ang isa pang JULIA sa movie sana nila ni BEA
NAPANSIN ng netizens, ang pagsama nina Jose Manalo, Paulo Ballesteros, Wally Bayola, Allan K, Ryan Agoncillo at Maine Mendoza sa pagpapaalam nina Tito Sen, Vic Sotto at Joey de Leon sa “Eat Bulaga.” Nag-paid tribute naman si Alden Richards, na isa rin sa host ng noontime show, sa pamamagitan ng Facebook caption niya […]