• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Proyektong PAREX di na itutuloy ng SMC

INIHAYAG ni San Miguel Corporation (SMC) CEO Ramon S. Ang na hindi na itutuloy ng kanilang kumpanya ang pagtatayo ng kontrobersyal na Pasig River Expressway (PAREX).

 

 

 

Taong 2021 ng ihayag ng SMC ang kanilang kasunduan na isang Public-Private Partnership (PPP) sa pagtatayo ng nasabing expressway bilang isang bahagi ng programa ng pamahalaan sa ilalim ng Build! Build! Build.

 

 

 

Ang nasabing expressway ay itatayo mula east hanggang west na idudugtong sa R-10 ant C-6. Ito ay isang radial tollway na magbibigay ng derechong daan sa pagitan ng Maynila at Taytay sa Rizal kasama ang mga lungsod at bayan na malapit sa nasabing lugar. Magkakaron rin ito ng koneksyon sa Skyway 3.

 

 

 

Subalit ang nasabing proyekto ay nag-ani ng maraming batikos sapagkat maraming grupo ang tutol dito dahil ang mga pillars nito ay itatayo sa baybayin ng Pasig River.

 

 

 

“There was an outcry from several groups over the environmental impact of the construction of such a project on the ecology of the Pasig River, as well as the impact it could have on the many treasured heritage sites along the way,” wika ni Ang.

 

 

 

Samantala, agad naman sinagot ni Ang ang mga lehitimong concerns at mga misinformation tungkol sa nasabing proyekto at kanyang napag desisyunan na hindi na ituloy ang pagtatayo ng PAREX.

 

 

 

Sinabi rin ng isang grupo ng pangkalikasan na ang magiging malaking problema ay ang alignment nito kung saan ito ay dadaan at ilalagay sa itaas ng Pasig River. Dagdag pa ng grupo na ang ganitong malaking proyekto ay siguradong magkakaron ng hindi Magandang epekto sa ecology ng ilog kahit na ang SMC ay nangako na babawasan ang masamang epekto nito sa ilog.

 

 

 

Isa sa mga nakitang problema sa pagtatayo ay ang pagkakaron ng mga construction debris, constricting parts ng ilog, polusyon tulad ng rubber particles at kapag tapos na ang pagtatayo, ang ibang bahagi ng waterway ay mawawalan ng kailangan sikat ng araw kumpara sa pa sa dati.

 

 

 

Ang iba pa na rason kung bakit hindi na ito itutuloy ay dahil makakaapekto rin ito sa patuloy na ginagawang rehabilitation at beautification projects sa baybahin ng Pasig River. May plano rin na ilungsad ang revitalized ferry service sa kahabaan ng ilog. LASACMAR

Other News
  • Mga nabakunahan na, ‘di pa rin ligtas sa COVID-19

    Hindi pa rin ligtas sa virus ang mga taong nakapagpaturok na ng bakuna dahil maaaring muli silang mahawa ng COVID-19 dahil wala namang perpektong bakuna.     Sinabi ni Dr. Lulu Bra­vo, executive director ng Philippine Foundation for Vaccination na kapag sinabing 95 percent o 70 percent efficacious, may porsyento pa rin na hindi magiging […]

  • Korean Trader, inaresto sa NAIA

    INARESTO ng mga opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang  negosyanteng South Korean na wanted ng mga awtoridad sa Seoul dahil sa economic crimes. Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco si Ahn Youngyong, 54 ay nasabat sa NAIA terminal 1 habang ito ay papasakay sa  Philippine Airlines  biyaheng […]

  • Hindi paplanuhin kung kakandidato: VICE GANDA, patuloy na nililigawan na pasukin ang pulitika

    ISA si Vice Ganda sa mga nililigawan ng mga political parties para tumakbo sa darating na mid term elections.   Pero wala ni isang pinagbigyan ang main host ng “It’s Showtime”. Sa isang interview kay Vice ay nabanggit ni Vice na kung kakandidato siya ay hindi niya ito paplanuhin.   “Parang hindi ko siya mapaghahandaan. […]