• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gaganap na kontrabida sa ‘Pulang Araw’: DENNIS, excited na sa matitinding eksena nila ni ALDEN

MARAMI na ang excited at nag-aabang sa pagsasama sa unang pagkakataon sa isang project nina Dennis Trillo at Alden Richards.

 

 

In-announce na kabilang si Dennis sa cast ng ‘Pulang Araw’ na upcoming historical drama series ng GMA.

 

 

Dito ay gaganap si Dennis bilang kontrabida, isang malupit na sundalong hapon na magpapahirap sa karakter ng mga bida kabilang si Alden.

 

 

Lahad ni Dennis, “Excited akong magkaroon kami ng eksena ni Alden, siyempre, siya yung hindi ko pa talaga nakaka-eksena sa mga ganitong drama, ganun.

 

 

“Nakatrabaho ko siya sa mga variety shows, pero, ayun excited ako doon, paghahandaan ko ang eksena na ‘yon.”

 

 

Happy at excited din si Dennis na makatrabahong muli sa ‘Pulang Araw’ ang kanyang co-stars noon sa ‘Maria Clara at Ibarra’ na sina Barbie Forteza at David Licauco, at si Sanya Lopez na leading lady naman niya sa ‘Cain At Abel.’

 

 

“Siyempre excited akong ma-reunite kay David at Barbie, kay Sanya, nakatrabaho ko na rin dati,” wika pa ni Dennis.

 

 

Sinabi pa ni Dennis na matagal na niyang hinihintay ang mabigyan ng ganitong klaseng karakter sa isang malaking proyekto.

 

 

“Matagal ko na rin hinihintay itong ganitong klaseng project, ganitong kabigat na character ngayon naman as a kontrabida.

 

 

“May konting pressure pero mas doon ako sa importansya sa pagkakaroon ko ng challenge bilang artista. Sa rami [na] ng nagawa ko, kailangan ko ng isang mabigat na role na mag-iisip ako at pag-iisipan ko bawat kilos, bawat galaw, bawat dialogue, excited ako sa ganun.”

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Biden, nagpaabot ng pakikidalamhati sa mga biktima ng Carina, Habagat sa Pinas

    NAGPAABOT ng kanyang pakikidalamhati si United States President Joe Biden sa mga Filipinong nawalan ng mahal sa buhay o nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Carina at Southwest Monsoon (Habagat).         Ipinaabot ni Biden ang kanyang mensahe kay US Secretary of State Antony Blinken sa joint courtesy call nila ni Defense Secretary […]

  • DOH handa sa COVID-19 surge

    TINIYAK ng Department of Health (DOH) na handang-handa sila ngayon sa anumang uri ng surge ng COVID-19 kasunod ng pag-amin na umakyat ang positivity rate nito matapos ang paggunita ng mga Pilipino sa Semana Santa.     Sinabi ni DOH Officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na naitala na sa 7.6% ang positivity rate mula sa 6.9% […]

  • Sa pamamagitan ng two new vlogs: Senator IMEE, sasalubungin ang ‘Year of the Water Rabbit’

    IPAGDIRIWANG ni Senadora Imee Marcos ang Year of the Water Rabbit sa dalawang bagong vlogs na libreng mapapanood ngayong weekend sa kanyang official YouTube channel.     Sa Enero 21, Sabado, ipasisilip ni Imee ang kanyang mga subscribers sa katatapos lamang na kanyang pagbisita sa Tsina kasama ang Pangulong Bongbong Marcos kung saan nakipagpulong sila […]