• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Inamin na may bago nang inspirasyon: Mensahe ni TOM kay CARLA: “I really wish her well”

MAY mensahe si Tom Rodriguez sa dati niyang asawa na si Carla Abellana.

 

 

Sa recent na guesting kasi ni Tom sa ‘Fast Talk With Boy Abunda’ ay tinanong ni Kuya Boy si Tom kung ano ang ipinagdarasal niya para kay Carla.

 

 

“I really wish her well.

 

 

“Everyone of us deserves happiness and I really wish that for her,” seyosong pahayag ni Tom.

 

 

Inamin rin ni Tom na may babaeng nagbibigay sa kanya ngayon ng inspirasyon.

 

 

Lahad pa niya, “When I went through that healing process, that wasn’t even in my mind. But I do believe that love does find you when you’re ready for it. And when it found me I thought my doors would be closed forever.

 

 

“Hindi pala because I’m experiencing it again now. And it’s something that I will treasure and cherish and really do my best to really protect.”

 

 

Pero hindi nagbigay ng anumang detalye si Tom tungkol sa nasabing babae.

 

 

Natuto raw si Tom na maglagay ng limitasyon sa mga ibabahagi niya sa publiko pagdating sa kanyang personal na buhay.

 

 

“This time around I’m gonna keep it for myself and those people that are very important to me.

 

 

“Okay na kami, kaya sorry na nagdadamot ako Tito Boy. I really wanna keep it close to the heart this time around.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Pinaghirapan, ilang taong pinag-ipunan at pinaghandaan… DINGDONG, pinasilip na rin ang bonggang dream house nila ni MARIAN

    PINASILIP na ang kanilang bonggang bahay ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.   Habang nagsu-swimming si Dingdong at si Marian Rivera-Dantes naman ay relax lang sa tila lanai nila with their dog. Ang ganda at ang laki ng bahay.   Sabi ni Dingdong sa kanyang caption sa Instagram, “The things we cherish most […]

  • Pinas, dapat palakasin ang local medicine production-PBBM

    KUMBINSIDO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang  ipinatupad na lockdowns bunsod ng COVID-19 pandemic ay dapat na nag-udyok sa Pilipinas para palakasin ang produksyon ng local medicines upang magkaroon ng sapat na stockpile sa panahon ng emergency.     “Let’s maximize the local production. The initial reason why this came up is the supply […]

  • Ads July 20, 2023