• July 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, PINURI ANG MGA KASAMA SA MATAGUMPAY NA PAG-ARESTO KAY DATING CONG. TEVES SA TIMOR-LESTE

PINURI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagtutulungan ng mga law enforcement agencies at international partners sa matagumpay na pag-aresto kay dating congressman Arnolfo “Arnie” Teves Jr. sa Timor-Leste.

 

 

Tiniyak ni Pangulong Marcos na gagawin ng gobyerno ang lahat ng kinakailangang aksyon para ibalik si Teves sa Pilipinas upang harapin nito ang mga kaso na isinampa laban sa kanya.

 

 

“I assure the Filipino people that we will spare no effort in ensuring that justice will prevail in this case,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Sa kabilang dako, ipinaabot naman ng Punong Ehekutibo ang kanyang taus-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kabilang sa nasabing operasyon para sa hindi matatawaran at matibay na dedikasyon para panindigan ang kapayapaan at kaayusan.

 

 

Sa ulat, kumpirma ng Department of Justice (DOJ) na dinakip ng mga awtoridad ng Timor-Leste si Teves habang naglalaro ng golf.

 

 

Si Teves ang itinuturong utak umano sa masaker sa Negros Oriental noong Marso 2023 na ikinasawi ng 10 katao, kabilang ang gobernador na si Roel Degamo.

 

 

Sa naging pahayag ng DoJ, naka-post sa Facebook page ng Presidential Communication Office, sinabing dinakip si Teves sa Dili East Timor dakong 4:00 pm nitong Huwebes habang naglalaro ng golf.

 

 

“Today’s apprehension of Teves is a testament to the power of international cooperation. It sends a clear message that no terrorist can evade justice and that nations stand united in safeguarding the safety and security of their citizens,” pahayag ni DOJ Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla.

 

 

Nakikipag-ugnayan na umano ang mga awtoridad ng Pilipinas sa mga awtoridad ng East Timor para maibalik sa bansa si Teves.

 

 

“Face your long-delayed trial without setting any conditions, face the courts squarely,” sabi ni Remulla sa dating kongresista.

 

 

Marso 2023 nang salakayin ng mga armadong lalaki ang tahanan ni Degamo sa Pamplona, Negros Oriental, at pinagbabarilin ang mga tao na nandoon pati na ang gobernador.

 

 

Nasawi si Degamo at siyam na iba, habang marami pa ang nasugatan.

 

 

May kinakaharap ding kaso si Teves sa hiwalay na pagpatay sa tatlong tao sa Negros Oriental noong 2019.

 

 

Nang mangyari ang masaker, nasa labas ng bansa si Teves at hindi na umuwi ng bansa. Hanggang sa matukoy na nasa East Timor siya at humihiling ng asylum.

 

 

Noong Agosto 2023, idineklara si Teves na terorista ng Anti-Terrorism Council, kasama ang 11 iba pa.

 

 

Pinatalsik din siya ng liderato ng Kamara de Representantes bilang kongresista dahil sa hindi na niya nagagampanan ang kaniyang trabaho bilang mambabatas.

 

 

Dati nang itinanggi ni Teves ang mga alegasyon laban sa kaniya. Iginiit din niya na may banta umano sa kaniyang buhay. (Daris Jose)

Other News
  • 5 milyong Pinoy jobless noong 2020

    Tinatayang 5 milyong Pilipino ang nawalan ng kanilang hanapbuhay noong 2020 sa kasagsagan ng lockdown dulot ng COVID-19.     Pero mas mababa ito kumpara sa datos ng Social Weather Stations (SWS) na nagsabing nasa 12.7 milyong Pinoy na ang nawalan ng trabaho sa ikaapat na quarter ng 2020.     “Ang record namin as […]

  • Kelot isinelda sa baril sa Caloocan

    HIMAS-REHAS ang isang lalaki matapos makuhanan ng hindi lisensyadong baril sa bisa ng ipinatupad na search warrant ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Eduardo Ocampo Jr alyas “Jun Tattoo” ng Block 25, Lot 24 Madrid Street Tierra Nova, […]

  • Inialay ang tropeo kay Kiko at sa mga anak: Parangal kay SHARON, pinaka-highlight ng first-ever ‘Gawad Banyuhay Awards’

    HINAHANAP kita sa awards night, Rohn Romulo, dahil ang highlight ng gabi ng parangal ay ang pagdalo ng mahal mong Megastar na si Sharon Cuneta na recipient ng first-ever Gawad Banyuhay Awards.     Pero wala ka, mabuti na lamang at dumating ang Megastar para sa kanyang Gawad Banyuhay Gloria Sevilla Actress of the Year […]