• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

OFFICIAL TRACE APP, INILUNSAD SA MAYNILA

INILUNSAD  kahapon sa lungsod ng Maynila ang Official Tracer App ng Pilipinas para sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Nanguna sa launching ng naturang App, na tinatawag na ‘staysafe.ph’ ay sina Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, COVID testing Czar Secretary Vince Dizon, Tracer Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, at Manila City Mayor Isko Moreno.

Nalaman  na ang staysafe.ph app ay may kakayahan na i-trace at pinuntahan , makasalamuha ng isang user gamit ang GPS.

Makikita din umano sa naturang app ang kasalukuyang sitwasyon ng isang lugar pagdating sa kaso ng COVID-19.

Nabatid na ang staysafe.ph app ay maaring i-download sa Google Playstore, Apple App Store, Huawei Apps Gallery at sa website na staysafe.ph.

Sinabi ni  Magalong, malaki ang maitutulong ng naturang app para matukoy ang mga pinuntahan at nakasalamuha ng mga confirmed COVID-19 cases.

Sa kabila na  may iba’t ibang klaseng tracer app na ang iba’t ibang LGU sa bansa ay madali itong maiko-consolidate sa staysafe.ph app.

Kaugnay nito, hinikayat  naman ni Moreno ang publiko, at mga establisimyento na mag-download at gamitin ang naturang app para makakuha ng mas magandang datos hinggil sa COVID-19.

Sinabi naman ni Roque,  na ang paglulunsad ng naturang tracer app ay isang patunay na may plano at may ginagawa ang Duterte Administration laban sa COVID-19 pandemic. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Aby Marano nagretiro na sa paglalaro

    Tuluyan ng nagretiro sa paglalaro sa national volleyball team si Aby Marano.   Sa kaniyang social media account ay inanunsiyo ng 30-anyos na dating De La Salle Lady Spiker ang tuluyan nitong pagreretiro.   Pinasalamatan nito ang kaniyang mga nakasama sa koponan at mga fans na sumubaybay sa kanilang laban.   Taong 2018 ng maging […]

  • “Ipagpatuloy natin ang pamana ng Kongreso ng Malolos—isang pamana ng tapang, pagkakaisa, at hindi matitinag na pangako sa kinabukasan ng ating minamahal na bayan” – Fernando

      LUNGSOD NG MALOLOS – “Ang pamana ng Bulacan ay nagpapaalala na ang isang malakas na bayan ay itinayo sa mga haligi ng kalayaan, katarungan, at soberanya—mga pagpapahalagang dapat nating ipaglaban at ipagpatuloy. Nawa’y magsilbing paalala ang pagdiriwang na ito na, habang ipinagpapatuloy natin ang laban para sa ating soberanya at patuloy naitaguyod ang responsableng […]

  • Chinese national na wanted ng trafficking, nasabwat sa NAIA

    NASABAT ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese man na wanted para ipa-deport ng ahensiya dahil sa pagkakasangkot sa human trafficking at prostitution.       Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony Viado ang nasabat na si Du Shuizhong, 51, sa NAIA terminal 1 habang papasakay ng Air China flight patungong Chengdu, China.   […]