• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 5th, 2020

OFFICIAL TRACE APP, INILUNSAD SA MAYNILA

Posted on: September 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

INILUNSAD  kahapon sa lungsod ng Maynila ang Official Tracer App ng Pilipinas para sa mga kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.

Nanguna sa launching ng naturang App, na tinatawag na ‘staysafe.ph’ ay sina Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque, COVID testing Czar Secretary Vince Dizon, Tracer Czar at Baguio City Mayor Benjamin Magalong, at Manila City Mayor Isko Moreno.

Nalaman  na ang staysafe.ph app ay may kakayahan na i-trace at pinuntahan , makasalamuha ng isang user gamit ang GPS.

Makikita din umano sa naturang app ang kasalukuyang sitwasyon ng isang lugar pagdating sa kaso ng COVID-19.

Nabatid na ang staysafe.ph app ay maaring i-download sa Google Playstore, Apple App Store, Huawei Apps Gallery at sa website na staysafe.ph.

Sinabi ni  Magalong, malaki ang maitutulong ng naturang app para matukoy ang mga pinuntahan at nakasalamuha ng mga confirmed COVID-19 cases.

Sa kabila na  may iba’t ibang klaseng tracer app na ang iba’t ibang LGU sa bansa ay madali itong maiko-consolidate sa staysafe.ph app.

Kaugnay nito, hinikayat  naman ni Moreno ang publiko, at mga establisimyento na mag-download at gamitin ang naturang app para makakuha ng mas magandang datos hinggil sa COVID-19.

Sinabi naman ni Roque,  na ang paglulunsad ng naturang tracer app ay isang patunay na may plano at may ginagawa ang Duterte Administration laban sa COVID-19 pandemic. (GENE ADSUARA)

6 SANGKOT SA DROGA TIKLO SA P274-K SHABU

Posted on: September 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

ANIM na hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot ang arestado matapos makumpiskahan ng higit sa P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon city, kahapon ng madaling araw.

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang naarestong mga suspek na si Micaela Onrubia, 23, Fernando Ison, 56, Jayson Lacaba, 27, Robert Christian Navarro, 26, Joseph Dela Cruz, 53, at Jocelyn Quilang, 37.

 

Sa imbestigasyon ni PSSg Ramos Timmago, alas-4:30 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Adonis Aguila ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Tanigue St. corner Dagat-Dagatan  Brgy. Longos.

 

Isang undercover pulis na nagpanggap na poseur-buyer ang nagawang makaiskor sa mga suspek ng P1,000 halaga ng shabu.

 

Nang iabot ng mga suspek ang isang sachet ng shabu sa pulis poseur-buyer kapalit ng marked money ay agad silang sinunggaban ng mga operatiba.

 

Nasamsam sa mga suspek ang 19 plastic sachets na naglalaman ng aabot sa 40.3 gramo ng shabu na may standard drug price P274,040 at buy-bust money.

 

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

PDu30 at Sec. Locsin, walang namamagitang away

Posted on: September 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Malakanyang na magkasundo at walang away sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. dahil lamang sa magiging rekumendasyon ng huli na ikansela ang lahat ng kontrata ng mga Chinese firm na nasa likod ng militarisasyon sa  South China Sea.

 

Mariing itinanggi ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang sinasabing “inconsistencies” o hindi magkaparehong  pahayag ng dalawang opisyal lalo pa’t sinabi naman ni Sec. Locsin na ang kanyang sinabi ay rekumendasyon lamang.

 

“Wala naman po sigurong inconsistencies diyan dahil ang sabi lang naman ni Secretary Locsin, he will recommend. Pero hindi po nangyari iyan because the President spoke as a matter of chief architect of foreign policy,” ayon kay Sec. Roque.

 

“Si Presidente naman po, wala naman pong personalan iyan,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

Sa ulat, irerekomenda ni Sec. Locsin  na tapusin na ang mga local contracts ng mga Chinese firms na mapatutunayang sangkot sa militarisasyon sa West Philippine Sea.

 

Ito ay kapareho ng naging hakbang ng Estados Unidos na magpataw ng sanction sa Beijing state run firms maging sa visa restrictions sa mga Chinese nationals.

 

Ani Locsin, nakikipag-ugnayan na siya sa Department of Transportation (DOTr) at National Economic and Development Authority upang malaman kung mayroong itong mga ongoing projects sa mga Chinese partners na nasa ilalim ng U.S. sanctions.

 

Samantala, magugunitang naglabas ng pahayag ang Amerika na ginagamit ng China ang kanilang state-owned corporations sa dredging at reclamation ng mahigit 3,000 acres na bahagi ng karagatan ng West Philippine Sea.

 

Kamakailan lamang nang sabihin ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian na mistulang naghahanap ng gulo ang Amerika sa naturang rehiyon. (Daris Jose)

Ads September 5, 2020

Posted on: September 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Pinoy athletes na nasa US pahinga muna matapos maantala ang qualifying games

Posted on: September 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Magpapahinga muna ang mga Filipino athletes na nagsasanay sa US para sa 2021 Tokyo Olympics.

 

Ito ay dahil sa iniurong sa susunod na taon ang mga qualifying games para sa Olympics sa susunod na taon.

 

Sinabi ni Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) head Philip Juico, kinabibilangan nina pole-vaulter Natalie Uy, shot-putter William Morrison at sprinter-hurdler Eric Cray ay magpapahing mula sa pagsasanay.

 

Ang ng nabanggit kasi na atleta kasama ang sprinter na si Kristina Knott ay mga miyembro ng national atlethics team na nagkamit ng 11 gold medals sa katatapos na 13th Southeast Asian Games.

 

Ilan sa mga bilin ni Juico sa nasabing mga atleta ay ang pag-obserba ng health protocols laban sa COVID-19 at ang pagbabawal sa pagbiyahe.

Leviste pinupuntirya ang Olympics at SEA Games

Posted on: September 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SOBRANG pahirap man, pero masunurin pa rin sa safety guidelines at health protocol ng Inter-Agency Task Force ang equestriane star na si Marie Antoinette ‘Toni’ Leviste at kanyang kabayo sa mga pagsasanay at paghahanda sa planong dalawang ng kompetisyon sa susunod na taon.

 

Ito ang 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo Japan sa Hulyo 23-Agosto 8 ng naturang taon, at ang 31st Southeast Asian Games 2021 sa Nobyembre 21-Disyembre sa Hanoi, Vietnam.

 

Kaya kayod sa kasalukuyan sa self training camp muna sa Leviste Equestrian Park sa Lipa City, Batangas ang 47-anyos, may 5-2 ang taas at tubong Maynila na dalaga sa kabila na mayroon pang COVID-19.

 

Isinalaysay kamakailan ng equestrienne na tumatapak pa siya sa isang hagdan upang masubukan na makasampa sa bago niyang kabayong si Flo.

 

“Contactless mounting. Here with Flo @mika_arroyo and her groom Mike Liwanag @edlynliwanag,” caption ni Leviste sa kanyang  social media post sa levisteequestrianpark_leep sa nakalipas lang na linggo.

 

Isa lang siya sa mga national athlete na nasa pagkalinga ng Philippine Sports Commission (PSC) at Equestrian Association of the Philippines (EAP) na nais mag-qualify pangalawa niyang quadrennial sportsfest  sa may 20 taon o pagkaraan ng 2000 Sydney kung saan lumagak siya sa ika-61 na puwesto .

 

Dalangin ko ang tagumpay mo Toni na makabalik sa quadrennial sportsfest. Alam ko ang gigil mo matapos ang pagsablay mo sa 2008 Beijing at 2016 London Games.

 

Hanggang bukas pong muli mga mahal kong mambabasa ng People’s Balita Sports. (REC)

NegoSeminar inilunsad sa Navotas

Posted on: September 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

SA kabila ng COVID-19 pandemic, ang pamahalaang lungsod ng Navotas ay patuloy na nagsagawa ng seminar sa mga interesadong residente na nais na magtayo ng maliit na negosyo sa lungsod.

 

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang NegoSeminar ay inilunsad higit isang buwan na nakalipas na naglalayong turuan ang mga interesadong residente na apektado ng pandemya kung paano magtayo ng kanilang sariling maliit na negosyo ngunit walang sapat na ipon upang mapondohan ito.

 

Ang NegoSeminar ay ginaganap tuwing Miyerkules alas- 9 a.m. hanggang 11 a.m. sa lobby ng Navotas City Hall at sa mga nais makamit ang “Tulong Puhunan” ay magtungo lamang sa NavotaAs Hanapbuhay Center para sa kanilang susunod na eskedyu.

 

Samantala, pinaalalahanan muli ni Mayor Tiangco ang mga residente sa kahalagahan ng kooperasyon ng bawat isa upang mapanatili ang patuloy na pagbagal ng rate ng impeksyon ng virus sa lungsod.

 

Nakapagtala nung nakaraang linggo ang City Health Office ng anim lamang na positive cases ng COVID-19 na nagdala sa kabuuang bilang na 4,376 at karagdagang 47 na mga gumaling kayat umabot na sa 3,803 ang mga recoveries habang 124 ang namatay.

 

“Nagbunga na po ang paghihigpit natin noong nakaraang mga buwan. Ang pagbaba po ng mga kaso sa ating lungsod ay nagpapakita lamang na tama ang ginawa natin,” ani Mayor Tiangco.

 

Sinabi pa ng punong lungsod na ang pagbaba ng mga bilang ng kaso ng nagpositibo sa COVID-19 ay dahil sa isinagawang malawakang testing, naging maagap na contact tracing at naging istrikto sa no home quarantine policy maliban kung nirekomenda ng doktor na manatili sa bahay. (Richard Mesa)

 

₱95 billion expressway project ng Pasig River, bubuhayin ng SMC

Posted on: September 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inanunsyo ng San Miguel Corporation (SMC) nitong Huwebes ang planong pagbuhay sa Pasig River bilang bahagi ng ₱95.4 billion Pasig River Expressway (PAREX) project.

 

“Not only will we be building a much-needed direct link between eastern and western Metro Manila, we will also be leading a historic effort to bring the Pasig River back to health,” ani Ramon S. Ang, president at COO ng SMC, sa isang pahayag.

 

Aniya na ang PARE ay “solution within a solution” dahil target nitong mapabuti ang trapik sa Metro Manila, maging na rin ang katubigan sa Pasig River.

 

Anang SMC ang PAREX ay 19.40 kilometer, six-lane elevated expressway sa river banks na magsisimula sa Radial Road 10 (R10) sa Maynila at magtatapos sa South East Metro Manila Expressway o sa Circumferential Road 6 (C6).

 

“For so many decades, even when I was young, the Pasig River had been synonymous to pollution,” Ang stated. “Many Filipinos have long wanted to clean it and revive it, bring it back to its old glory. There were even high-profile fund-raising projects and similar initiatives to clean it. But unfortunately, not much has changed.”

 

Maari namang maging alternatibong daanan ang PAREX para sa mga pupunta ng Makati, Ortigas, at Bonifacio Global City. (Ara Romero)

Ex-Ozamiz Councilor Ardot Parojinog, patay na nang madiskubre sa selda

Posted on: September 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Inaalam ngayon ng pulisya kung ano ang dahilan sa naging kamatayan ng kontrobersyal na umano’y nasa likod ng organized illegal drug syndicate na si detained former Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog sa loob ng kanyang selda sa Ozamiz City, Misamis Occidental.

 

Ito ay matapos kinumpirma ni Police Regional Office-10 spokesperson Lt. Col. Mardi Hortillosa ang pagkamatay ni Parojinog habang naka-local custody sa Ozamiz City.

 

Sa panayam, inihayag ni Hortillosa na tinungo ng mga personahe ng Scene of the Crime Operatives (SOCO-10) ang lugar para alamin kung ano ang sanhi ng biglaang pagkasawi ng akusado.

 

Ex-Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog

 

Inihayag ng opisyal na hindi pa sila makapagbigay ng karagdagang pahayag hangga’t wala pang official findings ang mga imbestigador kung paano nangayari sa pagkamatay ni Parojinog.

 

Sinasabing si Parohinog ay kahapon lamang dumating sa Ozamiz na mula rin pagkakakulong sa Metro Manila.

 

Si Ardot ay kapatid ng napatay na si dating Ozamiz City Mayor Reynaldo “Aldong” Parojinog Sr. na nakatakas noong isinagawa ni dating Ozamiz City police station commander Lt. Col. Jovie Espenido ang madugong anti-drugs operation alinsunod sa unang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 30, 2017.

 

Magugunitang nahaharap sa patung-patong na kasong kriminal si Ardot bago ito naaresto habang nagtatago sa bansang Taiwan noong Mayo 2019 dahil sa nangyari kay Aldong.

 

Napag-alaman na ang mga Parojinog ay unang binansagan na nasa likod daw ng Kuratong Baleleng gang kung saan utak umano ng high profile criminal cases tulad ng bank robberies, illegal drug trade at gun for hire activities sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

1 Pinoy nakaligtas sa lumubog na cargo ship sa Japan

Posted on: September 5th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Patuloy ang ginagawang search and rescue operations ng Japanese coast guard sa paglubog ng isang cargo ship sa karagatang bahagi ng Amami Oshima island, Huwebes ng gabi.

 

Nailigtas nila ang isang 45-anyos na chief officer ng barko na si Eduardo Sareno habang hinahanap pa nila ang 38 iba pang tripulanteng Pinoy.

 

Ayon sa nakaligtas, agad itong nagsuot ng life vest matapos na marinig nito ang warning sa barko.

 

Base sa inisyal na imbestigasyon nagkaaberya ang makina nito at nahampas pa ng malakas na alon na sanhi ng pagkalubog nito.

 

Nagtulong-tulong na ang tatlong coast guard vessels, limang eroplano at special trained drivers.

 

Ayon sa ulat, patuloy ang search and rescue ng Japanese coast guard sa barko na may sakay na 42 crew members at livestocks o mga hayop.

 

Sa nasabing crew, 38 ang mga Pinoy, 2 taga-New Zealand, at dalawa mula sa Australia.

 

Sa pinakahuling ulat, isang Filipino na ang na-rescue ng Japanese navy P-3C surveillance aircraft.

 

Ang 11,947 toneladang Gulf Livestock 1 ship ay may lulan na 5,800 na baka, ay nasa west ng western coast ng Amani Oshima  sa East China Sea nang mag-distress call noong Miyerkules ng umaga. (Daris Jose)