• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang kawani ng isang pribadong ospital at security guards kinasuhan ng Valenzuela LGU

SINAMPAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang ilang kawani ng isang pribadong ospital, kabilang ang staff ng credit and collection at security guards ng magkahiwalay na mga kasong serious illegal detention at slight illegal detention sa City Prosecutor’s Office.

 

 

Personal na sinamahan ni Mayor WES Gatchalian, kasama ang libreng serbisyo ng legal team ng LAMP-SINAG ni Konsehal Atty. Bimbo Dela Cruz, at City police chief Col. Salvador Destura Jr. ang mga biktimang sina Richel Mae Alvaro, 26. at Lovery Magtangob, 28, nang maghain ng magkahiwalay na kaso noong Marso 5 at Abril 1 makaraan umano silang pigilang makalabas ng Ace Medical Center sa Brgy. Malanday hangga’t walang papalit sa kanilang kaanak para humanap ng salaping pambayad sa kani-kanilang bill.

 

 

Ayon kay Mayor Wes, dinala ni Alvaro sa naturang pagamutan ang asawa dahil ng matinding karamdaman subalit binawian ng buhay noong Pebrero 14 sanhi ng mga komplikasyon at umabot sa P518,519.37 ang bill na kanyang babayaran.

 

 

Gayunman, hindi siya makakalap ng pambayad dahil pinigilan siyang makaalis at binawalan ding bumili ng pagkain hangga’t wala siyang kapalit na kaanak. Hindi rin umano ibinigay ang death certificate ng kanyang asawa hangga’t hindi nababayaran ang halaga.

 

 

Nagawa lang makalabas ng pagamutan si Alvaro makaraang makatakas sa pamamagitan ng pagdaan sa gate sa likurang bahagi ng ospital noong Pebrero 17, saka nagpasayang humingi na siya ng tulong kay Mayor Wes.

 

 

Ganito rin ang nangyari sa magkapatid na Lovery at John Christopher matapos mabigong mabayaran ang halagang P777,378,00 na bill sa ospital makaraang mamatay ang asawa ng lalaki.

 

 

Pinayagan lamang umanong makalabas si John Christopher kung papalit sa kanya ang kapatid kaya’t ipinasiya niyang magsumbong sa pulisya at kay Mayor Wes.

 

 

“Hindi po dapat tina-trato ang ating mga kababayan ng ganito. Imbes na tulungan sila ng ospital lalu pa silang binibigyan ng pabigat at tinatrato ng masamam” ani Mayor Wes.

 

 

“Nanggaling na sa kanila ang “palit-ulo” statement natin, sila mismo ang nagsabi sa mga biktima na kung gusto nilang kumain, umuwi sa bahay, kailangan may dadalhin silang kamag-anak kapalit nila. Hindi  tsutsupepeng ospital ito pero may sistema na sila sa loob at ito ang gusto kong i-crackdown at gusto kong ipaglaban na buwagin ang sistema nilang illegal detention,” dagdag ng alkalde.

 

 

Nilinaw naman ni Konsehal Dela Cruz na hindi kasama sa kinasuhan ang pamunuan ng naturang pagamutan dahil ang direkta lamang sangkot sa usapin na nakuhanan pa ng CCTV ay ilang kawani ang security officers. (Richard Mesa)

Other News
  • Senate Pres. Zubiri giit na ‘di siya ‘fake news’

    UMALMA si Senate President Juan Miguel Migz Zubiri, matapos na mabaligtad at i-deny ng Chinese embassy na kabilang ang Pilipinas sa mga blacklisted na bansa na puntahan ng mga turistang Tsino dahil sa umano’y isyu kaugnay sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).     Sa pahayag ni Senate President Migz Zubiri, sinabi nito na parang […]

  • House leaders, governors suportado si Robredo

    DALAWANG lider sa Kongreso at limang gobernador ang kamakailan ay naghayag ng kanilang suporta para sa kandidatura pagka-Pangulo ni Vice President Leni Robredo.     Ang mga kaalyado na ni Robredo at nangakong ikakampanya siya ay sina House Deputy Speakers Rufus Rodriguez (Cagayan de Oro 2nd District congressman) at Mujiv Hataman (Basilan congressman) at mga […]

  • Matapos na makapasok ni Angeli sa ‘Black Rider’: RURU, gusto ring makatrabaho ng Vivamax starlet na si ATASHA

    MUKHANG feel ng Vivamax starlet na si Ataska Mercado ang makatrabaho si Ruru Madrid.       Sa programang ‘The Boobay and Tekla Show’ kunsaan kasama ni Ataska na mag-guest ang kapwa Vivamax sexy starlets na sina Angelica Hart at Julia Victoria, inamin ni Ataska na nila-like niya ang mga photos sa social media account […]