• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Holistic approach, nais ni PBBM sa pagresolba sa problema sa trapiko sa Pinas—Balisacan

NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang “holistic at comprehensive approach” pagdating sa pagresolba sa problema sa trapiko sa bansa.
Sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang na masusing pinag-usapan sa 16th full Cabinet meeting kasama si Pangulong Marcos ang problema sa trapiko.
“What the President really wants is a comprehensive, holistic approach to solving the traffic problem – hindi iyong piecemeal approach ‘no as has been the case all these years ‘no,” ayon kay Balisacan.
”We had a very long discussion on the traffic issue and the President gave instruction to everyone to submit their recommendations, how their respective offices will adjust and configure their work environment,” aniya pa rin.
Aniya pa, sa pagpa-plano ng transport system sa Pilipinas, ”we should be looking at intermodal transport system.”
”They operate efficiently as a whole. We are building now the subway, we are building other expressways, bridges connecting Bataan and Cavite and so on,” ayon kay Balisacan.
”But these have to be seen in the context of all the other transport system including bike lanes, motorcycle lanes like that and as well as feeder roads and including the location of industries, residences and so on,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)
Other News
  • Ads October 1, 2022

  • Watanabe, Knott pasok sa Tokyo Olympics

    Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng mga atletang isasabak ng Pilipinas sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.     Ito ay matapos makakuha ng Olympic berth sina Fil-Japanese judoka Kiyomi Watanabe at Fil-American trackster Kristina Knott sa pamamagitan ng continental quota at universality slot, ayon sa pagkakasunod. […]

  • MAX, nambulabog dahil mabilis na naibalik ang seksing katawan bago siya nabuntis

    SUNUD-SUNOD ang pambubulabog ni Max Collins sa pag-post nito sa social media ng kanyang post-baby body pagkatapos nitong manganak last year.     Eight months na ang nakaraan noong isilang ng Kapuso actress noong July 2020 si Skye Anakin. Pero mabilis na naibalik ni Max ang dati niyang seksing katawan bago siya nabuntis.     […]