• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pulis binentahan, 2 ‘tulak’ laglag sa drug bust sa Valenzuela

HINDI inakala ng dalawang hinihinalang tulak ng illegal na droga na pulis ang kanilang nabintahan ng shabu matapos silang madakma sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.
          Sa ulat ni PMSg Carlos Erasquin Jr kay Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr., ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna nina P/Capt. Ronald Sanchez at P/Lt. Restie Mables ang buy bust operation kontra kay alyas ‘Bembol’, 41, ng Brgy. Malanday matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa kanyang illegal drug activities.
          Nang tanggapin ng suspek ang isang P500 bill na may kasamang tatlong P3,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba, dakong alas-7:20 ng Huwebes ng umaga sa San Andres 1 St., Brgy., Malanday.
          Ani Capt. Sanchez, nakuha kay ‘Bembol’ ang nasa 3 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P20,400, 45 grams ng hinihinalang marijuana na nasa P5,400 ang halaga, buy bust money, P150 recovered money at cellphone.
          Nauna rito, bandang alas-11:20 ng Miyerkules ng gabi nang matimbog naman ng kabilang team ng SDEU si alyas ‘Makmak’ matapos bintahan ng P8,500 halaga ng shabu ang isang pulis poseur-buyer sa buy bust operation sa Punturin Bignay Bypass Road, Brgy. Punturin.
          Ayon kay PMSg Ana Liza Antonio, nakumpiska sa suspek ang abot 5 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P34,000, buy bust money na isang P500 bill, kasama ang 8-pirasong boodle money at P200 recovered money.
          Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas ang Valenzuela police sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
Other News
  • TNT Tropang Giga tatapusin na ang SMB

    ANG pagsasara sa isang serye ang pinakamahirap gawin, ayon kay nine-time PBA champion coach Chot Reyes ng nagdedepensang TNT Tropang Giga.     “I’ve always said it. The hardest game to win is the fourth game. So we have no illusions about it,” sabi ni Reyes sa pagsagupa ng Tropang Giga sa San Miguel Beermen […]

  • Ads January 31, 2024

  • PH rescue team na ipinadala sa Turkey, binigyan ng ‘heroes welcome’ sa muling pagbabalik sa bansa

    BINIGYAN ng isang “heroes welcome” ang Philippine contingent na ipinadala sa Turkey para tumulong sa disaster response sa mga biktima ng malakas na lindol doon.     Kasabay ito ng muling pagbabalik sa Pilipinas ng 82 miyembro ng search and rescue team na ipinadala ng pamahalaan sa nasabing bansa para sa isang mahalagang misyon.   […]