• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

House-to-house wellness check

Nanawagan ang isang mambabatas sa mga mayor sa buong bansa na atasan ang kani-kanilang barangay na magsagawa ng jouse to house visits lalo na sa mga mahihirap na pamilya.
Ayon kay Senior Citizen Party List Rep. Rodolfo Ordanes, para sa kapakanan ng mga buntis, sanggol, bata,  seniors, at PWDs ay nanawagan siya sa mga mayor na maging pro-active sa kanilang aksyon sa nakakapasong init ng panahon.
Sensitibo aniya ang mga sanggol at bata sa matinding init dahil madali silang ma-dehydrate.
Sinabi pa nito na kung ang mga nasa day care at kinder hanggang Grade 6, kapag pumalo na sa 39 degrees ang heat index forecast au mas makabubuting suspendihin na dapat agad ang face-to-face classes isang araw bago ang klase.
Mayroon naman aniyang 2-day heat index forecast ang PAGASA na madaling makita sa kanilang website.

Sa junior high school, senior high school, at college, ipinapayo ng kongresista nahuwag na munang magkaroon ng outdoor activities at gawing indoor muna lahat ng aktibidad at huwag silang ibilad sa araw.

Para naman sa mga sanggol, mga batang wala pa sa edad ng day care, at kanilang mga ina, problematic na ang mga sintomas kapag tumuntong na sa Extreme Caution na 33 to 41 degrees ang heat index.
“Nawa’y magkusa ang na mga Barangay Kapitan na tingnan ang kalagayan nila. O kung hindi man ay dapat ipag-utos ito ng Mayor.Mainam kung magbabahay-bahay ang mga barangay health workers, tanod, at social welfare officers ng munisipyo sa pook ng mga mahihirap. Ang mga nakatira sa barung-barong, yung mga walang kisame ang bahay. Sila ang pinaka-kawawa sa tuwing sobrang init ng panahon,” anang mambabatas.
Bukod sa dapat siguruhin na mayroong tubig na maiinom ang mga mahihirap ay dapat siguruhin din ang fire safety lalo na sa mga kabahayang gawa sa light materials tulad ng kahoy.
ang faulty electrical wiring, defective chargers at batteries, overheating appliances, gas stoves, at charcoal stoves ang kabilang sa mga madalas maging sanhi ng sunog. (Vina de Guzman)
Other News
  • Buwis na nakolekta sa ilalim ng sektor ng turismo umabot na sa P404-B

    UMABOT na sa P404 billion peso ang nakolektang revenue sa ilalim ng Kagawaran ng Turismo sa unang sampung buwan ng 2023.     Ito ay mas mataas ng 190% kumpara sa nakolektang buwis sa unang sampung buwan ng 2022 kung saan umabot lamang noon sa P138.46.     Ang mataas na koleksyon ng buwis sa […]

  • NATO duda na umalis na ang mga sundalo ng Russia sa border nila ng Ukraine

    DUDA si North Atlantic Treaty Organization (NATO) secretary general Jens Stoltenberg na pinaatras na ng Russia ng ilang sundalo nila na unang itinaglaga sa border nila ng Ukraine.     Sinabi nito na patuloy ang kanilang gagawing defensive strategy sa ilang bahagi ng Europe.     Hindi rin aniya sila nagsasawa na hikayatin ang Russia […]

  • PBBM, abala sa paghahanda sa SONA

    HANDS on si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagsasapinal ng kanyang magiging talumpati para sa kanyang pangatlong State Of the Nation Address (SONA) sa darating na Lunes, Hulyo 22, 2024 sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City. Sa katunayan, ayon sa Presidential Communications Office (PCO) ay walang anumang engagement ang Pangulong Marcos khapon, Miyerkoles dahil […]