• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, tinurn over ang Balanga housing units sa 216 relocated families

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pag-turn over ng housing units sa 216 informal settler families sa Balanga, Bataan na naapektuhan ng cleanup at relocation operations sa hazard-prone areas.
Ang relocated settlers ay nakatira noon sa kahabaan ng Talisay River.
Ang Balanga City Low-Rise Housing Project ng National Housing Authority (NHA), matatagpuan sa Barangay Tenejero, tampok ang anim na condominium-style buildings.
Ang bawat unit, may sukat na 27 square meters, ay mayroong  dalawang bedrooms, isang kitchen, toilet, bath, at fully operational water at power supplies.
Sa naging talumpati ng Pangulo, sinabi nito na ang proyekto ay bahagi ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing (4PH) program ng gobyerno, naglalayon na tugunan ang anim na milyong housing backlog sa 2028.
“Sa loob ng maraming taon, humarap kayo sa peligrong dala ng pagtira sa tabi ng ilog. Kaya narito tayo upang bigyan ng lunas ang kanilang suliranin,” ayon sa Pangulo sa kanyang naging talumpati.
“Kayo ngayon ay maninirahan sa sariling bahay na ligtas, de-kalidad, at komportable. Ngayon pa lamang po ay binabati ko na ang ating mga benepisyaryo ng congratulation sa pagsisimula ng panibagong yugto ng inyong buhay,” dagdag na wika nito.
Tiniyak naman ng Punong Ehekutibo na nananatiling committed ang gobyerno na magtayo ng mas ligtas, de kalidad at komportableng housing units.
Samantala, plano naman ng NHA na magtayo ng basic facilities sa housing community, gaya ng four-story school building na may 20 silid-aralan, isang multi-purpose building, at isang covered basketball court.
May isang community center building ang naitayo na rin sa loob ng housing project upang matiyak na ang mga benepisaryo ay magkakaroon ng ‘access’ sa mga pangunahing bilihin, educational facilities at iba pang pangangailangan ng komunidad.
Mayroon itong health center, daycare center, barangay learning hub, mga tanggapan ng homeowners’ association at local government unit housing satellite office. (Daris Jose)
Other News
  • Ads March 31, 2023

  • Pinas, handang baguhin ang ilang patakaran na may kinalaman sa pagnenegosyo

    NAKAHANDA si Pangulong Ferdinand Marcos  Jr. na baguhin ang ilang regulasyong ipinatutupad hinggil sa  pagnenegosyo para sa kapakanan ng mga  mamumuhunan.     Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos sa gitna ng panghihikayat sa mga investors na mamuhunan sa Pilipinas.     Tiniyak ng Punong Ehekutibo na  handang padaliin ng Pilipinas ang pagpo- proseso sa […]

  • Traslacion, hindi pahihintulutan ni Yorme hangga’t may COVID

    NAGPAHIWATIG si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na hindi nito pahihintulutan na matuloy ang nakagawian ng mga debotong Kristyano na “Traslacion” sa ika-414 taon anibersaryo ng pagdiriwang ng Mahal na Poong Nazareno sa darating na Enero 9, 2021.   Ayon kay Domagoso, bagama’t ilang buwan pa bago ang nasabing pagdiriwang ay nagpahatid na agad ito […]