• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaki umakyat sa poste ng ilaw sa Navotas

NABULABOG ang tulog ng mga residente sa isang barangay sa Navotas City nang tatlong oras na mawalan ng supply ng kuryente matapos umakyat sa tuktok ng poste ng kuryente ang isang lalaki, Martes ng madaling araw.

 

 

Napuwersang putulin pansamantala ng Meralco ang supply ng kuryente sa kahabaan ng M. Naval St. Brgy. Sipac Almacen nang umakyat ang suspek na si alyas “Arnold” 39, residente ng Naic, Cavite dakong alas-2:30 ng madaling araw sa posteng kinalalagyan ng mga high tension wire sa tapat mismo ng Navotas City Hall sa M. Naval Street.

 

 

Ayon kay Navotas police chief P/Col. Mario Cortes, unang inireport sa kanila ang pagwawala ng suspek subalit nang respondehan ng kanyang mga tauhan, umakyat ang lalaki sa tuktok ng poste na dahilan upang mapuwersa naman ang Navotas Bureau of Fire Protection (BFP) na hilingin sa Meralco na putulin muna ang supply ng kuryente upang hindi makompromiso ang pagliligtas nila sa suspek.

 

 

Ilang oras ding hinimok ng rescue team ang suspek na bumaba na ng poste subalit patuloy lang na tumatanggi at hiniling na makausap ang kanyang asawa.

 

 

Dakong alas-5:06 ng umaga nang matagumpay na naibaba ng mga tauhan ng Special Rescue Force (SRF) ng Navotas, Caloocan at Valenzuela ang lalaki sa tulong ng dalawang boom truck na kanilang sinakyan kaya’t ibinalik muli ang supply ng kuryente alas-5:19 ng umaga.

 

 

Inamin ng lalaki na kamakailan ay gumamit siya ng  ilegal na droga at may kinaharap na kasong murder at frustrated murder sa Bataan at Leyte provinces subalit, napawalang-sala na umano ito.

 

 

Ito aniya ang dahilan kaya’t hindi siya makapaghanapbuhay para buhayin ang kanyang pamilya subalit natuklasan ng pulisya na may kaso pa siyang robbery sa Malabon City.

 

 

Inisyal na kasong alarm and scandal ang isasampa ng pulisya laban sa suspek habang kinakalkal pa ang rekord ng iba pa niyang posibleng kinakaharap na kaso. (Richard Mesa)

Other News
  • Duterte personal na sinalubong pagdating ng 2.8-M doses ng Sputnik V

    Pinangunahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong nitong Lunes ng gabi sa pagdating ng 2.8 million doses ng Sputnik V sa Villamor Air Base sa Pasay City.     Ang malaking bulto ng bakuna mula sa Russia ay binili ng gobyerno.     Nagbigay naman ng maiksing talumpati ang pangulo kung saan pinasalamatan niya ang […]

  • Pulis na sangkot sa duterte drug war, kailangan ng legal aid

    SANG-AYON ang mga lider ng Kamara na kailangang tumulong ang gobyerno lalo na sa pagbibigay ng legal aid sa mga pulis na nakaharap sa kasong kriminal at administratibo dahil sa kanilang partisipasyon sa war on drugs ng dating administrasyon.   Sinabi ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Quad Committee overall presiding officer, na […]

  • Tuloy ang laban sa sakit at ‘di susuko: KRIS, nagawa pang ireto ang kaibigan doktor kay CARLA

    MULI ngang nagbigay ng health update ang TV host-actress na si Kris Aquino pamamagitan ng kanyang official Instagram account.     Meron na namang nakita na bagong autoimmune disease sa kanyang katawan.     Inamin ni Kris, na humina ang kanyang katawan at nabawasan din ang timbang, kasabay pa nawala ang gana niya sa pagkain. […]