• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

4 drug suspects tiklo sa P.2M droga sa Valenzuela

LAGLAG sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng droga nang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa report ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ng tricycle driver na si alyas “Merlan”, 34, kaya isinailalim nila ito sa validation.

 

 

Nang positibo ang ulat, bumuo ng team si Major Rivera sa pangunguna ni P/Capt. Regie Pobadora saka ikinasa nila ang buy bust operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-9:05 ng gabi sa loob mismo ng kanyang bahay sa Bacani St., Brgy. Marulas matapos bintahan ng P7,500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Kasama ring dinakip ng mga operatiba sina alyas “Vicente”, 33, alyas “Wet”, 34, at alyas “Kongkong”. 19, tricycle driver, pawang residente ng Brgy. Marulas matapos maaktuhan ng mga pulis sa loob ng naturang bahay na magkakaharap sa isang maliit na mesa habang gumagamit umano ng droga.

 

 

Ayon kay Capt. Pobadora, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 30 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P204,000, buy bust money na isang P500 bill, kasama ang pitong P1,000 boodle money, cellphone, weighing scale at ilang drug paraphernalias.

 

 

Pinuri naman ni Gen. Gapas si Major Rivera at ang kanyang mga tauhan sa kanilang pagsisikap na tugisin ang mga taong sangkot sa pagpapakalat ng droga na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Sa usapin ng P11.7 trillion na utang ng Pinas, mga kandidato nagbakbakan ukol sa “good vs. bad debt”

    NAGBAKBAKAN at naglabas ng kani-kanilang sariling posisyon at opinyon ang mga presidential candidates ukol sa P11.7-trillion debt ng Pilipinas, pananaw ng mga ito sa paghiram ng pera at kung saan ito gagastusin.     Sa isang debate na inilunsad ng CNN Philippines, sinabi i Vice President Leni Robredo na ang foreign debt ay hindi naman […]

  • DESIREE, pinahanga si BOOM sa pinagdaang hirap sa pagbubuntis sa kanilang baby boy

    SINILANG na ni Desiree del Valle ang baby boy nila ng mister na si Boom Labrusca noong nakaraang October 4.         “As we welcome our bundle of Joy! Alexander Sebastian Dunham Labrusca. Thank you Lord for our son,” caption ni Desiree sa post niya sa Instagram.   Proud daddy and husband si Boom at […]

  • LRT 1 East Extension may libreng sakay ng 2 linggo

    Magbibigay ng libreng sakay ng dalawang (2) linggo ang bagong bukas na Light Rail Transit 2 (LRT2) East Extension kung saan pinagunahan ni President Rodrigo Duterte ang inagurasyon noong July 1.     Sinabi ni Duterte sa mga sumasakay na libre ang sakay simula at galing sa dalawang (2) estasyon ng Marikina at Antipolo.   […]