• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P17.4 million kontribusyon ng OFWs ibinulsa

Aabot sa P17.4 milyong halaga ng PhilHealth premiums o kontribusyon na kinolekta sa mga overseas Filipino workers ang ibinulsa umano ng “sindikato” sa Philippine Health Insurance Corporation.

 

Ayon kay Ken Sarmiento, dating Senior Auditing Specialist ng PhilHealth, na noong nakatalaga pa siya sa Operations Office ng PhilHealth sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ay nabuking niya na aabot sa P17,416,800 milyong premiums ang kuwestiyonable.

 

Aniya, ang mga resibong ibinigay sa mga nagbayad na OFWs ay peke kung saan ang mga ginamit na serial number sa mga resibo ay nagamit na sa mga lehitimong transaksyon.

 

Ang unang pekeng resibo ay naiulat noong Setyembre 2015 sa OFW na si Rey Calongcong kung saan hindi nairemit ang P2,400 na binayaran ni-tong premiums na dapat ay inisyu sa IEXCEL Manpower Corporation. Nasa 168 pang resibo ng nasabing manpower corporation ang lumitaw na pineke rin.

 

Samantala noong Setyembre 2018 ay inireport din ng ahensya ang 224 pang mga pinekeng resibo bukod pa sa hinihinalang 868 kaso ng mga peke rin na puro zerox copy at hindi orihinal.

 

“We learned that 7,257 OFWs hindi napaghulugan ng premiums… Hindi po natanggap ng PhilHealth ‘yung premiums nila,” sabi ni Sarmiento.

 

“Mayroon po talagang sindikato,” dagdag niya.

 

“Mayroon pong nagre-recruit sa kanila para i-distribute ‘yung fake receipts sa OFWs at ‘yung hatian, out of the P2,400, P900 ‘yung mapupunta sa marketer na gumagawa ng fake receipts. ‘Yung liaison officer, they receive P1,500. We know who they are and we know more or less ‘yung structure nila,” sabi pa niya.

 

Nang ipaabot niya ang isyu sa Regional Director ng PhilHealth ay na-demote siya sa trabaho at inilipat ng posisyon sa Overseas Filipino Workers Affairs. (Ara Romero)

Other News
  • Seguridad sa May 9 polls, ikinakasa na

    IKINAKASA na ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Phi­lippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang seguridad sa gagana­ping halalan sa Mayo 9 sa bansa.     Nitong Biyernes ay nagsagawa ng Joint Command Conference sa AFP Commissioned Officers Club sa Camp Aguinaldo sina AFP Chief Gen. Andres Centino, PNP Chief Gen. […]

  • Balitang nakaranas ng mild heart attack si Pangulong Duterte, fake news -PCOO

    FAKE NEWS ang sigaw ni Presidential Communications Operation Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa kumalat na balitang dumaan sa mild heart attack si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   Sa post ni Sec. Andanar sa kanyang facebook account ay ipinakita nito ang isang screen shot ng nagpakilalang Maharlika.TV na nagsabing …. “Breaking News: Sources say Duterte […]

  • There is Hope for Better Health: A New Generation of Dengue Prevention for Filipinos

    AS THE Philippines grapples with an alarming rise in dengue cases, healthcare professionals (HCPs) are calling for a renewed focus on prevention and the adoption of forward-thinking solutions to address healthcare gaps in dengue management and prevention.     Exacerbated by rising global temperatures, dengue fever has become an increasingly critical seasonal challenge in the […]