• November 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 4th, 2020

Haponesa sasawatain si Saso

Posted on: September 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

KAKASAHAN si Yuka Saso ng Pilipinas nG 16-time Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) champion na si Ai Suzuki ng Japan para hindi maparehasan ang three-straight title mark niya sa mayamang liga.

 

Maski ang iba pang mga kasali kaparehas ang misyon ng Japanese laban sa 19-year-old na Fil-Jap sa paghampas ngayong Biyernes (Setyembre 4) ng  Golf 5 Ladies Professional Golf Tournament sa Golf5 Country Mizunami Course sa Gifu.

 

Ang probla lang malamang na wala pa sa kondisyon ang 26-anyos na Haponesa dahil sa kakulangan niya mga torneo sa nakalipas na buwan dahilan na rin sa Covid-19 na natumpyas din sa maraming yugto ng Japan tour na ito.

 

Kapag nakatatlong dikit na korona naman ang tubong San Ildefonso, Bulacan na si Saso, bukod sa record ni Suzki, m,agiging kalakip pa na siya ang unang tinedyer na nagtamo nito nito.

 

Ang kambal na sunod na tagumpay ni Saso ang nag-upo na rin sa kanya sa No. 76 sa world rankings na basehan sa mga hahambalos sa 32nd Summer Olympic Games 2021 sa Tokyo, Japan. (REC)

Viernes kinarir coaching job maski may Covid-19

Posted on: September 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

AMINADO si ex-pro at Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) star Jeff Alvin Viernes ng Batangas City Athletics na kagaya ng karamihan, mahirap din ang kinalalagyannang ma-lockdown  mag-isa sa Malaysia sa panahon ng Coronavirus Disease 2019.

 

Itinigil noong Marso ang 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20 dahil sa pandemya kaya nagsadya muna ang 31-taong-gulang, may 5-8 ang taas na guard para ayudahan ang basketball team niyang kinabibilangan din doong NS Matrix.

 

“Nung first two months ko sa lockdown dahil sa pandemic nga, sobrang hirap kasi mag-isa lang ako sa tinitirahan ko sa Malaysia,” pag-amin ng basketbolistang produkto ng St. Clare College-Manila at tubong Isabela.“’Yung kasama ko kasi, assistant coach umuwi.”

 

Pero sa halip na maapektuha,  ginamit na lang niya na lang ang mga bakanteng oras upang diskartehan ang pag-angat pa ng kanyang team.

 

“So nu’ng nag-start yung pandemic, mentally nag-concentrate ako sa playmaking. Parang nag-aral ako mga coaching strategy.”

 

Mahgpit pa rin aniya sa Muslim country  sa mga health protocol kahit nanumbalik ang normal na pamumuhay.

 

Ilan naman sa mga natamo na niyang karangalan ang mga sumusunod:

 

9th National Athletics Association of Schools, Colleges and Universities, NAASCU Rookie of the Year 2009 (UM), 3xNAASCU champions 2010, 2011, 2012 (2xUM, SCC-M), 2xNAASCU MVP 2011, 2012 (UM);

 

Philippine Commercial Basketball League Foundation Cup Champion 2015 (Jumbo Plastic Linoleum),

 

PCBL Foundation Cup MVP 2015 (JPL), PCBL Chairman’s Cup Champion 2016 (JPL), PCBL Chairman’s Cup Finals MVP, Mythical 5 & Defensive Player of the Conference  2016 (JPL);

 

8th Philippine Basketball Association Devlopmental League (PBADL), Foundation Cup Conference MVP;

 

2017-18 (Che’Lu Bar & Grill), 1st Maharlika Pilipinas Basketball League Rajah Cup champion 2018 (BCA),

 

1st MPBL All Star Game Champion 2019 (South), 1st MMPBL All Star Game MVP 2019 (South), 2nd MPBL All Star Game champion 2020 (South) , at 2nd MPBL All-Star Game MVP 2020 (South). (REC)

Sec. Andanar, nagpatulong na sa mga youth leaders ng Northern Mindanao para maglaganap ng tamang impormasyon ukol sa covid 19

Posted on: September 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

HUMINGI na ng tulong si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa mga  youth leaders sa Northern Mindanao para tulungan ang komunidad na magpalaganap ng tamang impormasyon at kamalayan ukol sa coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

Binigyang diin ni Sec. Andanar, pinuno rin ng  Cabinet Officer for Regional Development and Security for Region 10 (Cords-10), ang magiging papel ng  Sangguniang Kabataan (SK) o youth council  sa bawat barangay na tulungang turuan ang kanilang komunidad hinggil sa pandemiya na tiyakin  na sumusunod sa health protocols para maiwasan na kumalat ang Covid-19.

 

“I want Region 10 to be the best region in fighting Covid-19. I want Region 10 to become number one in the fight against Covid-19. I will do my best to meet you because the majority of the population belongs to the youth and we need to protect our youth from Covid-19,” ayon kay Sec. Andanar, araw ng Miyerkules sa isinagawang  online meeting kasama ang mga SK leaders ng lungsod.

 

Sinabi pa ni Sec. Andanar na ang “core message” ng kampanya ng pamahalaan laban sa
Covid-19  ay maaaring pagsamahin at makabuo ng acronym na PDITR: “Prevention, Detection, Isolation, Treatment, and Reintegration (PDITR).

 

Aniya, ang mga SK officials ay makatutulong ng malaki sa pamahalaan lalo pa’t “you govern a huge population of young people and you are our direct link to them.”

 

At dahil sa may umiiral na  education information at communication campaigns mula sa  Department of Health (DOH) ay sinabi ni Sec. Andanar na ang nga youth leaders ay makatutulong na magpakalat ng mahahalagang  impormasyon sa pamamagitan ng  social media. (Daris Jose)

Unemployment rate bumaba sa 10% nang luwagan ang lockdown

Posted on: September 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Milyun-milyong Pilipino ang nabawi ang kani-kanilang mga trabaho sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng pandemya dulot ng coronavirus disease (COVID-19) noong Hulyo, ayon sa bagong datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), Huwebes.

 

Lumalabas sa ulat ng gobyerno na 10% ng Pilipinong parte ng labor force, o mga taong naghahanap ng trabaho, ang walang trabaho o negosyo nitong Hulyo. Ito ay nangangahulugang mga 4.6 milyong Pilipino na walang trabaho.

 

Malayo-layo ito kumpara sa naitalang 17.7% record-high unemployment rate ng ahensya noong Abril habang kasagsagan ng mga COVID-19 lockdowns sa Pilipinas.

 

Ibig sabihin, nasa 2.7 milyong trabaho ang naibalik sa ekonomiya ng Pilipinas simula nang dumami ang isinailalim sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).

 

Gayunpaman, higit na mas marami pa ring walang trabaho ngayon kumpara noong parehong panahon noong isang taon.

 

“Ito ay mas mataas ng 2.2 milyon kaysa sa bilang noong July 2019 na nasa 5.4 percent o 2.4 milyon,” sambit ng PSA sa kanilang report ngayong umaga.

 

“Ang bilang ng may trabaho o negosyo ay bumaba ng 1.2 milyon mula July 2019 hanggang July 2020. Nitong nakaraang July, ang bilang ng mga may trabaho o negosyo ay naitala sa 41.3 milyon na lamang.”

 

Pantay naman ang naitalang employment rate ng mga kababaihan at kalalakihan nitong Hulyo. Batay sa mga numero, siyam sa bawat sampung babae at lalaking nasa labor force ang may trabaho o negosyo, habang isa sa kada sampung babae o lalaki ang walang trabaho.

 

Nangyayari ang lahat ng ito habang nasa ilalim ng “technical recession” ang ekonomiya ng Pilipinas, bagay na sinasabing pinakamalala simula pa noong 1981.

DILG nagbabala sa LGUs vs scam sa paglalabas ng pondo

Posted on: September 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local government units (LGUs) laban sa scammers na nagpapakilalang DILG officials upang makapangulimbat ng pera.

 

Sa press briefing, sinabi ni DILG Undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya na may mga grupong humihingi ng pera sa mga lokal na opisyal at ipinadedeposit sa kanilang account.

 

Kapalit nito ay ang pangako na mabilis na mailalabas ang kanilang pondo,

 

“‘Pag meron na pong usapin tungkol sa pera, wag po kayong maniwala,” giit ni Malaya.

Salary increase ng teachers sa 2021 tiniyak ng DepEd

Posted on: September 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Tiniyak ng Department of Education (DepEd) na magpapatuloy ang kanilang salary increase na kabilang sa 2021 national budget.

Ayon kay DepEd Undersecretary Annalyn Sevilla, nasa P475 bilyon ang inilaan sa mga serbisyo ng ahensya kabilang na angf sahod, allowance at mga benipisyo ng kanilang mga empleyado.

“By next year meron naman pong salary increase. Ito ‘yung second tranche noong Salary Standardization Law,” saad ni Sevilla.

“Meron pong kasiguraduhan sa ating mga guro na naka-employ ngayon,” dagdag pa nito.

Nabatid na tumaas ng 13.54 percent ang pondong inilaan sa DepEd kumpara nooong 2020 budget kung saan nasa P418.4 bilyon lang ito.

Sa kasalukuyan ang sektor ng edukasyon ang nakakuha ng pinakamalaking budget sa National Expenditure Program para sa taong 2021 kung saan PP606.4 bilyon dito ay mapupunta sa DepEd. (Daris Jose)

5 NSA tinanggap ng POC

Posted on: September 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

MAY limang National Sports Association (NSA) ang naging bagong miyembro ng Philippine Olympic Committee (POC) sa huling virtual general assembly meeting ng organisasyon.

 

Ang mga bagong pasok, ayon ayon kay POC president Abraham Tolentino ay ang Karate Pilipinas Sports Federation Inc. (KPSFI), Philippine Underwater Hockey Confederation PUHC), Polo Federation of the Philippines (PF), Philippine Pole and Aerial Sports Association (PPASA) at Philippine eSports Organization (PeSO).

 

Sinibak naman ng POC ang Philippine Karatedo Federation (PKF) na una  out na rin sa World Karate Federation (WKF) dalawang taon na ang nakalipas.

 

Ang KPSFI ang humalili bale saPKF.  Si Richard Lim ang pangulo ng bagong pederasyon ng mga karatista. (REC)

RESTOS PWEDE NANG MAG-OPERATE LAGPAS SA CURFEW

Posted on: September 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

PINAYAGAN na sa Navotas city ang mga delivery, take-out at drive-thru services ng mga restaurants at iba pang food establishments ng lagpas sa 8PM–5AM citywide curfew hours.

 

Sa ilalim ng Executive Order No. 044 ay  pinapayagan na ang mga food establishments na mag-operate lagpas sa curfew hours upang makapag-deliver ng pagkain sa loob at labas ng lungsod, at makapagsilbi ng take-out at drive-thru services only sa mga authorized persons outside of residence (APOR).

 

Sakop din ng order ang mga kainan sa loob ng grocery stores at supermarkets na mayroong delivery services.

 

Gayunpaman, ang dine-in na lagpas sa curfew hours ay ipanagbabawal, at ang mga hindi APOR ay bawal ding bumili ng pagkaing take-out o drive-thru mula 8PM-5AM.

 

“Mayroon pa ring nangangailangan sa mga serbisyo ng pagkain sa oras ng curfew na mga nagtatrabaho sa gabi, kabilang ang mga doktor, nars, iba pang health personal, driver ng ambulansya, call center agents, security guard at mga nagtatrabaho sa Navotas Fish Port Complex,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

Kinakailangang mahigpit na ipatupad ng mga food establishments ang social distancing at iba pang safety protocols, at kailangan ding magsagawa ng masusi at regular na sanitation at disinfection. (Richard Mesa)

TOP DRUG PERSONALITY NG NPD NA LIDER NG “ONIE DRUG GROUP”, TIMBOG SA BUY-BUST

Posted on: September 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

NATIMBOG ng mga awtoridad ang No. 1 drug personality ng Northern Police District (NPD) na lider din ng “Onie Drug Group” at kanyang kasama sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City.

 

Kinilala ni NPD Director P/Brig. Gen. Ronaldo Ylagan ang mga naarestong mga suspek na si Renato Perez, alyas “Onie”, 32, (Watchlisted) No. 1 sa NPD Top 10 drug personality at leader ng Onie Drug Group, at Jumy Samson, 38, kapwa ng Brgy. 12.

 

Ayon kay Gen. Ylagan, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU)-District Special Operation Unit (DSOU) sa pamumuno ni PLTCOl Giovanni Hyacinth Caliao I mula sa kanilang impormante at mga barangay opisyal hinggil sa illegal drug activities ni alyas Onie sa Brgys. 12 at 8, at kalapit na mga barangay sa loob ng CAMANAVA.

 

Inginuso din si Perez ng kanyang bayaw na unang nahuli noong Mayo 11, 2020 at nakunan ng 70 gramo ng shabu at iba pang mga nahuling tulak bilang kanilang source ng illegal na droga.

 

Ala-1:50 ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng DDEU-DSOU ang buy-bust operation kontra sa mga suspek sa Tupda Village, Brgy. 8, Caloocan City kung saan isang undercover pulis ang nagawang maka-order ng P12,000 halaga ng shabu kay Perez.

 

Nang tanggapin ni Perez ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng droga ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba kasama si Samson.

 

Nasamsam sa mga suspek ang aabot sa 110 gramo ng shabu na nasa P748,000.00 ang halaga, P1,000 tunay na pera na nakabugkos sa 11 pcs 1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money at sling bag(Richard Mesa)

‘Big fish’ target ni Cascolan sa drug war

Posted on: September 4th, 2020 by @peoplesbalita No Comments

Target ng bagong upong hepe ng PNP na si Lt. Gen. Camilo Cascolan ang mga bigtime drug personalities sa bansa.

 

Ayon kay Cascolan, mas paiigtingin nila ang kanilang trabaho upang malambat ang mga indibiduwal o grupo na patuloy na nagsasagawa ng illegal drug operations.

 

Aniya, titiyakin niyang ang case build up ay ga­gawin at sisimulan sa maliit na drug pusher. Kailangan na magkakaroon ng koo-perasyon ang lahat upang matukoy at maaresto ang mga high value targets.

 

Batay sa huling datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), umaabot na sa 5,722 drug suspects ang napatay simula July 2016 habang 245,135 drug suspects ang naaresto.

 

Samantala, nagbabala si Cascolan sa mga pulis na kakasuhan ang sinumang lalabag sa qua-rantine protocols.

 

Matatandaan na umani ng batikos at naging kontrobersiyal ang mañanita ni NCRPO chief Police Major Gen. Debold Sinas dahil sa ipinagbabawal na mass gatherings dahil sa COVID-19 pandemic. (Ara Romero)