• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KAPUSO STAR YSABEL ORTEGA, ANG REYNA NG SANTACRUZAN 2024 SA BINANGONAN

Ang Santacruzan ay isang nakagawiang  Filipino tradition, na muling bibida sa mga kalsada ng Libid Binangonan sa Mayo 5, 2024 sa pamumuno ng  Sangguniang Barangay at Sangguniang kabataan ng Libid.Lalahukan ito ng nasa 24 barangays. 
Ang isa sa mga highlights ay ang pagdalo ng talent ng GMA 7, ang young  superstar na si Ysabel Ortega bilang Reyna ng Santacruzan 2024 at gagamitin niya ang gown na likha ni PATRICIA BELLA SISON.
Magdaragdag ng saya at kinang sa okasyon ang mga bongang float at arko ng mga kasaling mga reyna at consorte. Isa rin sa magpapasaya ng gabi ay ang mga Munting Reyna.
Ang Libid Santacruzan 2024 ay isang patunay ng patuloy na pagsalin-salin ng tradisyong nakagisnan na noong panahon pa ng ating mga ninuno. Pagpapakita rin ito ng katatagan ng pananampalataya at pagmamahal ng mga mamsmayan ng barangay Libid sa tradisyon.
Ang Libid Santacruzan 2024 ay pinamumunuan nina KAP. Gil “AGA” Anore at SK Carl Antiporda. Ang coordinator ng nabanggit na Santacruzan ay si Ginoong Gomer O. Celestial.
Sponsored by Switch Fiber.
Other News
  • Ama ni PCOO Sec. Martin Andanar, pumanaw sa edad na 73

    PUMANAW na si Special Envoy at dating DILG Undersecretary Atty. Wencito Andanar sa edad na 73.   Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na pumanaw ang kanyang ama dahil sa liver cancer.   Namatay ang ama ni Sec. Andanar sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.   “It is with […]

  • HEART, nagsimula na ng lock-in taping kasama si PAOLO sa Sorsogon after ng required quarantine days

    TULOY na tuloy na ang world premiere ng Legal Wives sa Monday, July 26, pagkatapos ng The World Between Us sa GMA Telebabad.     Marami na ring naghihintay kung kasama pa rin si Ms. Cherie Gil sa story kahit hindi na nito tinapos ang family series tungkol sa mga Mranaw.     Naroon pa […]

  • Laban ni Holyfield at Tyson hindi na matutuloy

    Tinapos na ng kampo ni boxing legend Evander Holyfield ang usapin na magkakaroon sila ng laban ni Mike Tyson.     Ayon kay Holyfield na hindi kinagat ng kampo ni Tyson ang usapin na ikatlong paghaharap sana nila.     Ayaw aniya nilang masayang ang oras nila na patuloy na panghikayat na humarap si Tyson. […]