• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit 25K households tanggal na sa 4Ps

UMABOT na sa 25,904 household-beneficiaries ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tanggal na sa programa nang makitang kaya na nilang makapamuhay ng maayos para sa pamilya.

 

 

Ayon sa DSWD, ang nasabing bilang ay base na rin sa datos nitong first quarter ng taong kasalukuyan.

 

 

“The 4Ps Pugay-Tagumpay graduation and exit ceremony is a celebration of the be­neficiaries’ milestone and highlights the significant achievement that reflects the dedication and hard work of both the beneficiaries and the program implementers,” sabi ni Asst. Secretary for Disaster Response Management Group Irene Dumlao.

 

 

Ang mga 4Ps gra­duates ay kinilala sa gina­nap na ‘Pugay Tagumpay’ graduation and exit ceremonies sa ibat ibang DSWD Field Office, katuwang ang local government units (LGUs).

 

 

Ang ‘Pugay Tagumpay’ ay maituturing na komendasyon sa mga benepisyaryo na napabuti ang buhay dahil na rin sa programa ng ahensya sa tulong na rin ng ilang partner stakeholders.

 

 

Ayon kay Dumlao, ang mga household beneficiaries na tinatayang nakamit na ang self-sufficiency status kasama na ang mga nagboluntaryong umalis na mula sa programa ay nai-endorso na rin sa mga local government units (LGUs) na kanilang nasasakupan upang mapanatili na mapabuti ang kanilang kalagayan sa buhay.

 

 

Ang 4Ps ay isang flagship program ng gobyerno na naglalayong maiangat ang buhay ng mga mahihirap nating kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa pag-aaral ng mga kabataan, nutrisyon at kalusugan.

Other News
  • Maganda ang magiging labanan sa Summer MMFF: COCO, GERALD at BELA, nanguna sa eight official entries

    INIHAYAG na ng Metro Manila Film Festival noong Biyernes ng hapon ang eight official entries para sa first summer edition ngayong Abril.   Nanguna sa mga pelikula para sa Summer Metro Manila Film Festival ang “Apag” ng Center Stage Productions na pinagbibidahan ni Primetime King Coco Martin. Mula ito sa direksyon ni Brillante Mendoza, kasama […]

  • NAVOTAS NAMIGAY NG BIGAS, MANOK SA 80K FAMILIES

    NAMAHAGI ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng limang kilong bigas at isang buong manok sa bawat pamilyang Navoteño bilang bahagi sa pagdiriwang ng lungsod ng ika-116 na anibersaryo ng pagkakatatag nito.     Pinangunahan nina Mayor Toby Tiangco, Congressman John Rey Tiangco at mga barangay opisyal ang unang araw ng pamimigay ng 116th Navotas Day […]

  • CHED nakiisa sa PSC, DOH, GAB; sumunod tayo sa guidelines

    Nakiisa ang Commission on Higher Education (CHED) sa Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board, at Department of Health sa pagpapanatili ng kaligtasan at kalusugan  ng student-athletes sa gitna ng the coronavirus disease 2019 pandemic.   “Safety of our students is the topmost concern,” ani CHED chairman Prospero De Vera at hinimok ang lahat […]