• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAG-INA NA DADALO SA BIRTHDAY PINAGBABARIL, TODAS

DEDBOL ang isang 62-anyos na ina at kanyang 39-anyos na anak na lalaki matapos pagbabarilin ng hindi kilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo sa Malabon city, Miyerkules ng gabi.

 

Dead-on-the-spot si Luz Garcia, 62 at kanyang anak na si Ferdinand, kapwa residente ng 25 Hernandez St. Brgy. Catmon sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan.

 

Patuloy naman ang follow up imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek na mabilis na tumnakas sa hindi matukoy na direksyon matapos ang insidente.

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Jessie Tamayao, naganap ang insidente bago mag-alas-6 ng gabi sa kahabaan ng Dulong Hernandez St., Brgy. Catmon habang sakay ang mag-ina sa kanilang electric bike at paparada sana sa harap ng isang sari-sari store para bumili ng sigarilyo.

 

Sa imbestigasyon ni police homicide investigators P/SSgt. Jeric Tindugan at P/SSgt. Jose Romeo Germinal II, dadalo ang mga biktima sa birthday celebration ng biyenan ni Ferdinand nang pagbabarilin sila ng hindi kilalang mga suspek.

 

Sinabi ni SSgt. Tindugan sa panayam sa kanya sa telepono na ayaw umano magbigay ng detalye ang mga kaanak ng mga biktima at mga residente sa lugar dagil sa takot na baka sila naman ang gantihan.

 

“Under investigation pa kaya wala pang malinaw na motibo, tikom lahat kasi ang bibig kaya parang me itinatago sila,” ani Sgt. Tindugan.

 

Nabatid na ang lugar, kung saan nangyari ang insidente ay kuta umano ng mga kilalang kriminal na sangkot sa iligal na gawain at maging ang mga pulis at opisyal ng barangay ay nahihirapan sa pagpapanatili ng kapayapaan at katahimikan sa nasabing lugar. (Richard Mesa)

Other News
  • Ginanap sa Coron kasama ang pamilya at piling kaibigan: LUIS, natupad ang plano na tahimik at solemn ang church wedding nila ni JESSY

    SA first anniversary ng “Dear SV” sinorpresa ni Kapuso aktres Rhian Ramos si Cong. Sam Verzosa.  Last February 6 ay isang memorable date yun kay Sam at siyempre ng programa niyang  “Dear SV” kung saan ipinagdiwang ng programa ang first year anniversary. Nakuha agad ng programa ang puso ng mga manonood, na unang ipinalabas sa […]

  • Pinoy boxer John Moralde bigo sa kamay ni William Zepeda

    Nabigo si Filipino boxer John Vincent “Mulawin” Moralde na maagaw ang World Boxing Association (WBA) Continental America lightweight champion kay William “Camaron” Zepeda.     Mula sa simula pa lamang ay umulan ng mga suntok mula kay Zepeda na nagbunsod sa pagkakatumba sa Pinoy boxer sa loob ng ikaapat na round sa laban na ginanap […]

  • DILG Sec. Abalos pinagbibitiw ang ilang opisyal ng PNP

    PINAPASUMITE  ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr ang lahat ng mga colonels at henerals ng Philippine National Police (PNP) na magsumite sila ng courtesy resignation.     Ayon sa kalihim na lumabas sa kanilang imbestigasyon kaya hindi masawata ang iligal na droga sa bansa ay dahil sangkot ang mga […]