Welga ng PISTON at MANIBELA tuloy
- Published on April 16, 2024
- by @peoplesbalita
NATULOY kahapon, Lunes April 15 ang welga ng grupo sa trans-portasyon na Piston at Manibela upang iprotesta ang nalalapit na deadline ngayon April 30 ng consolidation ng prangkisa ng mga public utility jeepneys (PUJs) sa ilalim ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.
Ayon ay President Ferdinand Marcos, Jr. at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz na hindi na papayagan na magkaroon pa nang muling extension ng deadline.
Ang consolidation ng prangkisa ay siyang magbibigay daan upang palitan ang mga traditional jeepneys ng mga modern mini buses.
“We cannot afford consolidation. We cannot afford these modern minibuses,” wika ni Manibela president Mar Valbuena.
Ang ibang grupo sa transportasyon ay tutol din sa pagpapatupad ng nasabing programa dahil sa presyo ng unit ay masyadong mahal at ganoon din ang madaming requirements sa pagtatayo at pagrerehistro ng isang kooperatiba at korporasyon.
Ayon sa grupo na ang mga pasahero ay sa mga traditional jeepneys pa rin sasakay kung papapiliin dahil ito ay kumbiniente at hindi mahal ang pamasahe. Paliwanag ng grupo na ang mga nanawagan na palitan na ang traditional jeepneys ay ‘yung mga taong hindi naman sumasakay sa pampublikong transportasyon.
“Those calling to modernize the traditional jeepneys that are well-made, run well and are locally made and who are complaining about jeepneys are not the ones who commute,” saad ni Valbuena.
Sinabi naman ng grupong Piston na dapat ang deadline ay palawigin pa dahil ang petisyon laban sa PUVMP ay pending pa rin sa Supreme Court (SC).
Ayon kay Piston deputy secretary-general Ruben Baylon na hindi pa natatapos ang mga serye ng hearings ng PUVMP sa Kamara at nakabinbin pa rin ang petisyon nila sa SC laban dito subalit minamadali na ng pamahalaan ang pang-aagaw ng hanapbuhay ng mga tsuper at maliliit na operator.
Samantala, sa isang pahayag naman ay tinatanong ni Senator Grace Poe, chair ng Senate Committee on Public Services na kung ano na ang ginawa ng pamahalaan sa nakalipas na tatlong (3) buwan habang ang deadline ay pinalawig pa hanggang April 30.
“Have there been fruitful dialogues between the LTFRB and transport groups? Were there substantial efforts to reach out to the drivers and operators to help get them into the program?” wika ni Poe.
Ayon sa kanya ay dapat maglabas ang LTFRB ng listahan ng mga ruta na seserbisyuhan ng jeepneys na may consolidated na prangkisa at yon mga ruta kung saan ang mga jeepneys ay walang operasyon.
“I am looking forward to a Supreme Court ruling on the petition filed by transport groups to enlighten concerned agencies on the path to take on the so-called modernization of our PUV fleets,” dagdag ni Poe. LASACMAR
-
Rematch kay Inoue asahan na mas ‘brutal pa’ sa 1st fight – Donaire
NGAYON pa lamang pinaghahanda na rin ni WBC bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang mga boxing fans dahil sa tiyak daw na umaatikabong bakbakan ang magaganap sa rematch nila ng Japanese superstar na si Naoya Inoue sa darating na Martes, Hunyo 7 Si Inoue ang may hawak ng dalawang korona sa […]
-
LeBron at Davis muling dinomina ang 16th win ng Lakers vs Hawks, 107-99
Muli na namang nagsama ng puwersa sina LeBron James at Anthony Davis upang tulungan ang Los Angeles Lakers na iposte ang kanilang ika-16 na panalo laban sa Atlanta Hawks, 107-99. Nagtala si Davis ng 25 points, habang si LeBron naman ay nagpasok ng 21 points, liban pa sa kanyang all around game. […]
-
KAYA SCODELARIO, THE NEW KICK-ASS PROTAGONIST IN “RESIDENT EVIL: WELCOME TO RACCOON CITY”
BRITISH actress Kaya Scodelario (The Maze Runner franchise, Pirates of the Caribbean: Salazar’s Revenge, and alligator thriller Crawl) stars as Claire Redfield, the street-smart, sassy, kickass protagonist of Columbia Pictures’ action horror Resident Evil: Welcome to Raccoon City (in Philippine cinemas Dec. 15). [Watch the film’s Nightmare Trailer at https://youtu.be/Qu9IgB0yG6k] “I’d grown up with her, watching her […]