• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakita raw nang mag-grocery sa isang mall sa Cebu: KAYE, dinenay ang lumabas na video na may mga bodyguard

KUNG hindi mauudlot ang plano, mapapanood muli sa original station ng ABS-CBN 2 ang pambato nilang news program na “TV Patrol”.

 

Isang kapamilya insider ang nagkuwento sa amin na starting this week ay sa channel 2 na mapapanood ang premyadong news program ng network.

 

 

Nagkasundo na raw ang management ng ALL TV ng mga Villar na ipalalabas ang “TV Patrol” sa kanilang istasyon at mapapanood na rin mismo sa dating frequency ng Lopez owned station. Kumbaga, ang frequency ng ALL TV ang gagamitin ng network para sa pagpapa labas ng “TV Patrol” sa channel 2.

 

 

Matapos mabakante ang naturang channel, napunta ito sa ALLTV na pagmamay-ari ni dating senate president Manny Villar. Incidentally, si dating Senador Manny Villar ay kabilang sa listahan ng Forbes na pang-190 sa pinakamayayamang bilyonaryo sa buong mundo at nangunguna naman sa Pilipinas.

 

 

Sa report ng Bilyonaryo, nagkasundo na sa blocktime agreement ang mga Lopez at si Villar. Mapapanood sa time slot nito sa gabi ang “TV Patrol” na nagsimula na kagabi, April 15, 2024.

 

***

MAY mga pasabog na nilantad ang aktres na si Kaye Abad sa programa ni Boy Abunda na “Fast Talk with Boy Abunda.”

 

 

Unang pinasinungalingan ni Kaye ay ang lumabas na video na kung saan meron daw anim na bodyguard ang aktres nang mag-grocery sa isang mall sa Cebu City.

 

 

Wala raw katotohanan ang isyung yun at dagdag pa niya na hindi raw naman ganun sila ka-milyonaryo na kayang magpa-suweldo ng ganun karaming bodyguards. When in fact, ayon pa rin kay Kaye ay kuripot daw siya ay hindi basta-basta na naglalabas ng pera sa hindi ganun ka importanteng pagkakagastusan.

 

 

Paliwanag pa niya na sobrang simple lang daw ang pamumuhay ng pamilya nila ng mister na si Paul Jake Castillo. Tungkol naman sa kanyang showbiz career ay hindi rin daw naman siya pinagbabawalan ng kanyang asawa na tumanggap ng anumang proyekto na alam niyang makatutulong sa showbiz career niya.

 

 

Nang tanungin siya ng TV host kung pinagbawalan ba siya ng mister sa showbiz ay hindi raw dahil wala siya ngayon kung iniwan niya ang showbiz nang tuluyan. Kasalukuyang napapanood sa pelikula nila nina Paolo Contis at Patrick Garcia na ‘A Journey’.

 

 

Tungkol naman sa kanyang mga ex-bf ay maayos ang naging breakup nila niya raw sa bukod sa aktor na si John Lloyd Cruz. Ayon pa rin sa aktres, mahinahon ang pakikipaghiwalay niya noon kay Chito Miranda at hanggang ngayon, magkaibigan pa rin sila. Lahad ni Kaye, “We’re still friends. We broke up na magkaibigan kami. “He even invited me sa wedding niya. Invited din siya sa wedding ko. “Ayan, parang sinabi ko na ako nga yung nakipag-break, di ba? “Sa amin kasi ni Chito, parang nagkaintindihan kami.” Dagdag niya, “kinuha pa siya ni Paul Jake sa Cebu for a gig and we watched his gig.”

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • BBM CAMP: 99.93% accuracy rate ng manual count nagpapakita ng totoong kagustuhan ng tao

    ANG  99.93 percent vote accuracy rate mula sa lumabas na random manual audit (RMA) ay ang patunay na nagdesisyon na ang mga Pilipino at ang kanilang kagustuhan ay dapat respetuhin, ayon sa kampo ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos nitong Lunes.     Ayon kay incoming Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez, ang random manual audit […]

  • Robredo, balik Pinas matapos ang graduation ng anak sa US

    BALIK-Pinas na si Vice President Leni Robredo mula Estados Unidos kung saan dumalo siya sa graduation ng kanyang anak na si Jillian.     Si Robredo, kasama ang kanyang anak ay dumating sa Ninoy Aquino Terminal 1, alas-10:30 ng gabi, araw ng Sabado.     Nag-alok naman ang mga airport authorities ng courtesy assistance para […]

  • Panawagan ni PBBM sa Pag-IBIG, gawing mas ‘accessible’ ang ‘home loans’

    NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund na gawing mas accessible sa mga Filipino ang kanilang home mortgage financing upang matugunan ang housing backlog sa bansa.     Sa Pag-IBIG Fund Chairman’s Report for Year 2023 sa Pasay City, binati ng Pangulo ang Pag-IBIG Fund para sa record-high […]