• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nag-viral na video ni Kapitana, idinulog kay Mayora

PINASISILIP ng ilang residente kay Taguig City Mayor Lani Cayetano ang umano’y walang habas na pagmumura at paninigaw  ng isang Kapitana ng isang  barangay sa mga kabataan sa Brgy. East Rembo.

 

 

Ito ay makaraang nag-viral ang isang video na inupload ng isang anonymous sender kung saan nagkaroon ng iringan  sa pagitan ng Kapitana ang mga residente sa lugar.

 

 

Sa kanilang reklamo, dumating si Kapitana sakay ng kanyang sasakyan nang nadaanan ang mga kabataan sa tapat ng kanilang bahay.

 

 

Bumaba ang kapitana at sinita umano ang mga kabataan na imbes na pakiusapan ng maayos ay pinalayas, pinagsisigawan, pinagmumura sila kasama ng kanyang asawa at anak na lalaki na nagawa pang sugurin ang mga kabataan habang pilit na inaawat.

 

 

Puna ng ilang residente, na  nagde-demand umano ito ng respeto pero siya mismo ay hindi naman niya maibigay sa kanyang mga nasasakupan.

 

 

Hiling lang sana ng mga residente lalo na ang mga nasaktan na kabataan na maging mabuting public servant si kapitana.

 

 

Sa mga komento, halos puro negatibo dahil tila hindi naaayon ang pag-asta nito bilang isang public servant  na direktang sumasagot ito imbes na ayusin ito.

 

 

Nanawagan na rin ang mga nasaktang partido sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na aksyunan ang ganitong klase ng public servant.

 

 

Sa panig naman ng Kapitana, ikinatuwiran nito  na respetuhin siya at makinig sa kanya ang mga kabataan.

 

 

Binigyang-diin din niya na siya ang unang bumaba sa sasakyan at unang sumugod sa mga menor de edad na nasa kalsada at hindi ang kanyang mister. GENE ADSUARA

Other News
  • Tuloy na tuloy na ang serye nila ni Alden: BEA, inaming na-pitch sa kanya ang ‘Start Up’ na naging rason para maging Kapuso

    TULOY na tuloy na ang pagtatambal ng Kapuso actress na si Bea Alonzo at ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa local adaptation ng 2020 South Korean series na Start-Up.       Hindi nag-announce ang Kapuso Network na tuloy ang romantic-drama series, hanggang hindi nila naayos ang contract nila in partnership with Korea’s CJEMM.     According to Senior Vice President […]

  • DPWH at Japanese experts, winakasan na ang talakayan sa panukalang P37-B road project

    TINAPOS na ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga Japanese expert ang kanilang isang linggong talakayan para sa panukalang P37 billion Dalton Pass East Alignment Road Project sa northern Luzon.     Ang iminungkahing proyekto ay isang four-lane na 23.5-kilometer na kalsada na magpapagaan sa matinding trapiko at magbibigay […]

  • Natutunan kay coach Mune, ibabahagi ni Yulo

    SALUDO si Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo kay Japanese coach Munehiro Kugimiya dahil malaki ang nai-ambag nito kung nasaan man ito ngayon.     At hangad ni Yulo na makatulong sa iba pang gymnasts na nais masundan ang kanyang yapak.     Target nitong maibahagi ang magagandang aral na natutunan nito noong hawak […]