• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Higit P.6M droga nasabat sa Caloocan drug bust, 2 timbog

NASAMSAM ng pulisya ang mahigit P.6 milyong halaga ng droga sa dalawang drug suspects matapos maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong mga suspek na sina alyas “Bebe”, 23 ng Brgy. 120 at alyas “Bong”, 53 ng Brgy. 19.

 

 

Ayon kay Col. Lacuesta, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Don Benito St., Brgy., 21, matapos ang natanggap na impormasyon hinggil sa umano’y illegal drug activities ni ‘Bebe’.

 

 

Matapos tanggapin ang buy bust money na isang P500 bill na may kasamang anim pirasong P1,000 boodle money mula sa pulis na nagpanggap na buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba ang suspek dakong alas-8:27 ng gabi, kasama si ‘Bong’ na parokyano umano ni ‘Bebe’.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humgi’t kumulang 100.50 grams ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P683.400.00 at buy bust money.

 

 

Pinuri naman ni NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas si Col. Lacuesta at kanyang mga tauhan sa kanilang matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • MMDA nagkasa uli ng clearing operations sa Maynila

    MULING  binalikan ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang ilang kalsada sa Tondo, Maynila at nagkasa ng clearing operations upang matanggal ang pabalik-balik na mga obstruksyon.     Katuwang ang mga tauhan ng lokal na pamahaalan ng Maynila, Department of the Interior and Local Government at Manila Police District, winalis ng MMDA […]

  • Trains na gagamitin sa LRT 1 Cavite Extension dumating na

    Ang unang batch ng fourth-generation trains na galing sa Spain at Mexico na gagamitin sa operasyon ng Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension ay dumating na sa bansa.   “The train’s arrival marks the realization of the Light Rail Transit Line 1 (LRT1)’s Cavite extension project, which is eyed for partial operability this year,” […]

  • Pahayag sa preemptive evacuation sa mga residente ng Agustin Street sa Valenzuela

    IPINATUPAD ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang preemptive evacuation measures para sa dalawampu’t anim na pamilyang naninirahan sa Agustin St., Brgy. Karuhatan upang mapanatili ang kanilang kaligtasan.       Ito’y matapos maglabas ang Office of the Building Official ng Declaration of Dangerous Structures (batay sa PD 1096 o National Building Code) nitong Mayo 26, […]