Unemployment rate bumaba sa 10% nang luwagan ang lockdown
- Published on September 4, 2020
- by @peoplesbalita
Milyun-milyong Pilipino ang nabawi ang kani-kanilang mga trabaho sa muling pagbubukas ng ekonomiya sa gitna ng pandemya dulot ng coronavirus disease (COVID-19) noong Hulyo, ayon sa bagong datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), Huwebes.
Lumalabas sa ulat ng gobyerno na 10% ng Pilipinong parte ng labor force, o mga taong naghahanap ng trabaho, ang walang trabaho o negosyo nitong Hulyo. Ito ay nangangahulugang mga 4.6 milyong Pilipino na walang trabaho.
Malayo-layo ito kumpara sa naitalang 17.7% record-high unemployment rate ng ahensya noong Abril habang kasagsagan ng mga COVID-19 lockdowns sa Pilipinas.
Ibig sabihin, nasa 2.7 milyong trabaho ang naibalik sa ekonomiya ng Pilipinas simula nang dumami ang isinailalim sa mas maluwag na general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ).
Gayunpaman, higit na mas marami pa ring walang trabaho ngayon kumpara noong parehong panahon noong isang taon.
“Ito ay mas mataas ng 2.2 milyon kaysa sa bilang noong July 2019 na nasa 5.4 percent o 2.4 milyon,” sambit ng PSA sa kanilang report ngayong umaga.
“Ang bilang ng may trabaho o negosyo ay bumaba ng 1.2 milyon mula July 2019 hanggang July 2020. Nitong nakaraang July, ang bilang ng mga may trabaho o negosyo ay naitala sa 41.3 milyon na lamang.”
Pantay naman ang naitalang employment rate ng mga kababaihan at kalalakihan nitong Hulyo. Batay sa mga numero, siyam sa bawat sampung babae at lalaking nasa labor force ang may trabaho o negosyo, habang isa sa kada sampung babae o lalaki ang walang trabaho.
Nangyayari ang lahat ng ito habang nasa ilalim ng “technical recession” ang ekonomiya ng Pilipinas, bagay na sinasabing pinakamalala simula pa noong 1981.
-
Ilang players ng Gilas Pilipinas posibleng ‘di makapaglaro dahil sa injury
Nahaharap ngayon sa pagsubok ang Gilas Pilipinas sa pagsabak nila sa FIBA Olympic Qualifying Tournament sa Belgrade, Serbia dahil sa pagkakaroon ng injury ni Dwight Ramos. Sinabi ni Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin na mayroong groin strain injur si Ramos na kaniyang natamo sa third window ng FIBA Asia Cup 2021 qualifiers. […]
-
Klase sa public schools sa Agosto 29 na
PORMAL nang inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) kahapon ang pagbubukas ng klase sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Sa abiso ng DepEd, magbubukas ang klase para sa School Year 2023-2024 sa lahat ng public schools sa Agosto 29, 2023. Samantala, ipinauubaya naman ng DepEd sa mga pribadong paaralan ang pagtatakda […]
-
CabSec Nograles, pinalagan ang pahayag ng mga kritisismo na “back to square one” ang gobyerno
TODO-DEPENSA si Cabinet Secretary Karlo Nograles sa pamahalaan mula sa kritiko na nagsasabing “back to square one” ang bansa sa ginagawa nitong pagtugon sa COVID-19 dahil sa ulat na pagtaas ng bilang ng tinatamaan nito. Giit ni CabSec Nograles, gumagana ang health safety protocols sa bansa. “But we have to remember that even […]