7 drug suspects timbog sa buy bust sa Navotas
- Published on April 19, 2024
- by @peoplesbalita
UMABOT sa mahigit P.1 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa pitong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang lolo na malambat sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.
Sa ulat ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez ng buy bust operation sa Santillan St., Brgy. San Jose, bandang alas-2:02 ng madaling araw.
Kaagad dinamba ng mga operatiba sina alyas “Bayag” at alyas “JR” matapos umanong magsabwatan na bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Ayon kay Capt. Sanchez, nakuha sa mga suspek ang nasa 5.4 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P36,720.00 at buy bust money.
Nauna rito, natimbog namaman ng kabilang team ng SDEU ang dalawang tulak na lolo na sina alyas “Gani”, 62 ng Obando, Bulacan at alyas “Jojo’, 62 ng Brgy. Bangkulasi sa buy bust operation, alas-12:22 ng hating gabi sa Goldrock St., Brgy. San Roque.
Ani PSSg Ramir Ramirez, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 5.6 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P38,080.00 at buy bust money.
Dakong alas-2:33 ng madaling araw nang matiklo naman ng isa pang team ng SDEU sa buy bust operation sa Badeo 4 St., Brgy. San Roque sina alyas “Jessie”, 30, alyas“Jayson”, 43, at alyas “Andoy”, 38, pawang residente ng lungsod.
Nasamsam sa mga suspek ang nasa 4.5grams ng hinihinalang shabu na nagkakalahaga ng P30,600.00 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
PBBM, nilagdaan na ang ‘TRABAHO PARA SA BAYAN ACT’
TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas, araw ng Miyerkules ang “Trabaho Para sa Bayan Act.” Layon nito na tugunan ang “unemployment, underemployment, at iba pang hamon sa labor market.” Ang batas ay nakatuon sa pagpapahusay sa “employability at competitiveness” ng mga manggagawang Filipino para itaas ang kasanayan at muling […]
-
PRINCESS, nagpasaya ng 500 mga bata para ‘Pamaskong Handog’ ng kanyang foundation
SA puso ng Barangay Bayan Luma, Bacoor Cavite, mas nagningning ang diwa ng Pasko noong Disyembre 17, 2023, salamat sa Princess Revilla Foundation, Inc. Ang foundation ang may gawa ng isang makabagbag-damdaming ‘Pamaskong Handog’, isa itong Christmas gift-giving extravaganza na nagdulot ng kagalakan sa 500 na mga bata. Ang araw ay isang kasiya-siyang pagsasanib ng […]
-
SoKor kaisa ng PH sa pagsusulong ng rules-based maritime order at freedom of navigation sa WPS
TINIYAK ng South Korea na kaisa nila ang Pilipinas sa pagsusulong ng rules-based maritime order at freedom of navigation sa West Philippine Sea. Ito ang siniguro ni South Korean President Yoon Suk Yeol kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr matapos ang kanilang bilateral meeting sa Palasyo ng Malakanyang kahapon, Lunes. Sa Joint […]