• May 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nilagdaan na ang ‘TRABAHO PARA SA BAYAN ACT’

TININTAHAN ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas, araw ng Miyerkules ang “Trabaho Para sa Bayan Act.”
Layon nito na tugunan ang “unemployment, underemployment, at iba pang hamon sa labor market.”
Ang batas ay nakatuon sa pagpapahusay sa “employability at competitiveness”  ng mga manggagawang Filipino  para itaas ang kasanayan at muling ituro ang inisyatiba at suportahan ang micro, small, and medium enterprises at industry stakeholders.
Sa ilalim ng batas, ang Trabaho Para sa Bayan Inter-Agency Council (TPB-IAC), sa pangunguna ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, ay bubuo ng masterplan para sa “employment generation at recovery” sa Pilipinas.
Tatayong co-chair ng TPB-IAC ang mga Kalihim ng Department of Trade and Industry (DTI) at  Department of Labor and Employment (DOLE) na may kinatawan mula sa ibang ahensiya at iba’t ibang sektor.
Magsasagawa rin ito ng comprehensive analysis ng employment status at labor market sa bansa at titiyakin ang epektibong paggamit ng resources at pinagsama-samang pagsisikap ng pamahalaan.
Tutulungan din ng konseho  ang  local government units sa  “planning, devising, at implementing employment generation and recovery plans and programs” sa kani-kanilang lokalidad, tiyakin na naka- aligned sa Trabaho Para sa Bayan Plan.
Para kay  Secretary Balisacan, ang paglagda sa sa “Trabaho Para sa Bayan Act” ay isang “welcome development” dahil makapag-aambag ito sa  Philippine Development Plan 2023-2028 ng administrasyong Marcos.
“We support the Trabaho Para sa Bayan Act as it contributes to the Philippine Development Plan 2023-2028, which aims to increase employability, expand access to employment opportunities, and achieve shared labor market governance,”ayon kay Balisacan.
“With the passage of the TPB, this will facilitate stronger coordination and partnership among relevant agencies and stakeholders for the efficient implementation of employment programs,” dagdag na wika nito. (Daris Jose)
Other News
  • Ex-CamSur Rep. Rolando Andaya patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang kwarto

    PATAY na nang matagpuan si dating Camarines Sur 4th District Representative Rolando “Nonoy” Andaya Jr., 53, residente ng Saint Jude Orchard, Concepcion Grande, Naga City.     Ito rin mismo ang kinumpirmang mga anak ng biktima sa pamamagitan ng Facebook post.     Gayunman hindi binanggit ng mga ito kung ano ang ikinamatay ng ama. […]

  • COVID-19 sa Pinas higit 2 milyon na!

    Sumampa na sa hi­git dalawang milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang madagdagan kahapon ng bagong 14,216 kaso base sa re­sulta ng mga pagsusuri ng mga testing laboratories na ipinadala sa Department of Health (DOH).     Sa Case Bulletin No. 536, umakyat na sa 2,003,955 katao ang tinamaan ng COVID-19 magmula nang […]

  • Travel time mula port area papuntang Valenzuela, 10 minutes na lang

    TEN minutes na lang ang travel time galing sa Port Area papuntang NLEX-Valenzuela sa Bulacan dahil sa malapit ng matapos na North Luzon Expressway Harbor Link C3-R10 project.   “This will improve the movement of cargo between the Port Area and NLEX by shortening the travel time from the usual one hour to 10 minutes. […]