• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

800 pamilya nasunugan sa Maynila, inayudahan

UMAABOT sa 800 pamilya na nabiktima ng sunog kamakailan ang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa Manila City Government.

 

 

Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna ang nanguna sa pamamahagi ng tig-P10,000 cash aid, kasama si Re Fugoso, na siyang pinuno ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).

 

 

Ayon kay Lacuna, bagamat hindi kalakihan ang naipagkaloob na tulong pinansiyal ng lokal na pamahalaan, ay umaasa aniya siyang makakatulong ito sa mga fire victims upang makapagsimulang muli.

 

 

Sa nasabing okas­yon, nagpaabot din si Lacuna ng pag-aalala para sa mga residenteng nasugatan dahil sa sunog. Muling nagpaalala ang alkalde sa mga residente na sa panahon ng sunog, dapat na prayoridad ang buhay at kaligtasan ng bawat miyembro ng pamilya.

 

 

Ipinaalala rin ng ­alkalde sa mga residente na dahil tumitindi ang init ng panahon ay mas malaki ang panganib na magkaroon ng sunog.

 

 

Matatandaang tatlong insidente ng sunog ang sumiklab sa Maynila nitong nakalipas na linggo, kabilang na ang mataong lugar ng Parola at Isla Puting Bato.

Other News
  • UP guard Bea Daez, ikinagulat na mapili bilang WNBL ambassador

    Ikinagulat ni dating University of the Philippines guard Bea Daez-Fabros sa pagkakapili sa kaniya ng WNBL bilang ambassador.   Sinabi nito na hindi na siya nagdalawang isip na tanggapin ang alok ni NBL executive vice president Rhose Montreal.   Dagdag pa nito na layon nito ngayon ay palaguhin ang women’s basketball sa bansa. Nag-represent na […]

  • Robredo, wala pang plano na magtrabaho sa gobyerno

    WALA pang plano si Vice President Leni Robredo na pumasok sa alinmang tanggapan ng gobyerno.     Ayon kay Attorney Ibarra Gutierrez, taga­pagsalita ni Robredo, hindi muna tatanggap ng anumang posisyon sa gobyerno si Robredo dahil nakasentro ang atensyon nito ngayon sa maayos na pagtatapos ng kanyang termino.     Ang pahayag ng kampo ni […]

  • Pulis na lulong sa sabong, tiklo sa holdap

    ISANG pulis ang inaresto ng kanyang mga kabaro matapos mahuli sa aktong nangholdap ng gasolinahan para umano pangtustos sa kanyang bisyo ng pagsusugal lalo na ang pagsasabong, sa bayan ng Trinidad, Bohol.     Kinilala ang nadakip na suspek na si Police Staff Sergeant Conchito Payac, 33, desk officer ng Dauis Police Station at residente […]