• April 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Babae, inaresto sa paggamit sa anak sa online show

INARESTO ng  National Bureau of Investigation – Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) ang isang babae na ginagamit ang kanyang menor de edad na anak para sa online sexual show at exploitation.

 

 

Nag-ugat ang operasyon mula sa idinulog na kaso ng Department of Justice Office of Cybercrime (DOJ-OOC) laban sa isang babae na umano’y ginagamit ang kanyang mga menor de edad na anak para sa isang palabas sa online.

 

 

Dahil dito, noong April 12, 2024 ay nagsagawa ng entrapment operation at pagsisilbi ng WSSECD  ang pinagsamang pwersa ng NBI-HTRAD at  NBI-Northeastern Mindanao Regional Office (NBI-NEMRO) kasama ang NBI-Digital Forensics Laboratory laban sa suspek sa kanyang bahay sa San Luis, Gingoog, Misamis Oriental.

 

 

Dito naaktuhan ang suspek sa aktong inaalok nito ang kanyang mga anak  sa isang online sexual show kapalit ng pera.

 

 

Sa nasabing operasyon, ni-rescue ang tatlong menor de edad.at kasalukuyang nasa-kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Kasong paglabag sa  R.A. 11930 (Anti- OSAEC at CSAEM Act), R.A. 9208 as amended ng  R.A. 10364 at  further amended ng  R.A. 11862 (Anti-Trafficking in Persons Law) in relation to R.A. 10175 (Cybercrime Law), R.A. 7610 (Child Abuse Law), at  Rape by Sexual Assault.laban sa naarestong suspek. GENE ADSUARA

Other News
  • Tiger Woods patuloy ang pagpapagaling matapos ang madugong aksidente

    Patuloy na nagpapagaling si US golf superstar Tiger Woods.     Sa kaniyang social media account, nagpost ito ng larawan na nakasaklay.     Sinabi nito na prioridad niya ngayon ang makapaglakad ng mag-isa.     Ito ang unang paglabas niya sa media matapos ang madugong aksidente noong Pebrero 25.     Magugunitang nagtamo ng […]

  • Ads May 21, 2022

  • DILG sa LGUs: Higpitan ang health protocols vs COVID-19

    Inatasan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units (LGUs) na higit pang paghusayin ang kanilang mga ordinansa upang matiyak na patuloy na naoobserbahan ng mga mamamayan ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng nakamamatay na COVID-19.     Ayon kay DILG Officer-In-Charge at Undersecretary Bernardo Florece Jr., […]