• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2,000 na laptop ipinamahagi ng QC LGU sa mga public school teachers

IPINAMAHAGI ng QC Local Government Unit ang nasa 2 libong piraso ng brand new laptop sa mga guro sa mga pampublikong paaralan, Day Care Centers at Community Learning Centers sa lungsod.

 

 

Layon ng hakbang na ito ay upang matulungan sa kanilang pagtuturo ang mga QC public school teachers.

 

 

Ayon sa QC LGU, nasa 50 brand new laptop ang ipinagkaloob sa mga Day Care Centers habang 20 naman sa mga Community Learning Center.

 

 

Mismong si QC Mayor Joy Belmonte ang nagkaloob ng mga laptop.

 

 

Nakatuwang naman ni Mayor Belmonte sa pamamahagi ng mga laptop sina Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, Education Affairs Unit Head Ms. Maricris Veloso, Social Services Development Department Head Ms. Eileen Velasco, QC Public Library Head Ms. Mariza Chico, QC Public School Teachers Association, at mga District Action Officers.

 

 

Sa kabuuan, aabot na sa 8,000 laptops ang ipinamahagi ng pamahalaang lungsod sa mga guro ng pampublikong paaralan sa Quezon City. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Malolos-Clark railway naantaladahilsa payment issues

    NABIGONG magbayad ang pamahalaan sa tamang oras sa isang contractor ng Malolos-Clark Railway Project (MCRP) kung kaya’t naantala ang construction works.     Maantala ng isang taon na dapat ay sa 2024 na siyang targeted completion ng nasabing imprastruktura.     Ayon kay Department of Transportation (DOTr) undersecretary Cesar Chavez na ang pamahalaan ay naharap […]

  • Bahay ng pulis pinasok ng kawatan, baril at P30K cash natangay

    NATANGAY ng hindi pa kilalang magnanakaw ang issued firearm, P30,000 cash at cellphone ng isang pulis matapos pasukin ang bahay ng biktima sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Sa pahayag ni PSSg Gorgonio Pedro Buntan III, 45, nakatalaga sa Navotas police SWAT kay PSSg Karl Benzon Dela Cruz, natutulog siya sa ikalawang […]

  • Top 4 PDID, tiklo sa P34K shabu sa Valenzuela

    BALIK-SELDA ang isang drug personality na listed bilang top 4 Priority Database on Illegal Drugs (PDID) matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong suspek bilang si Johanne Dellava alyas “Jumong”, 34 ng Brgy. Punturin.     Sa […]