Sa unforgettable 13th anniversary episode ng ‘Good News’: VICKY, sinamahan ni SHAIRA na mag-ikot sa South Korea
- Published on April 20, 2024
- by @peoplesbalita
ESPESYAL na episode ang handog ng weekly news magazine show na “Good News” para sa ika-13 taon nito dahil biyaheng South Korea si Vicky Morales kasama pa si Sparkle artist Shaira Diaz ngayong gabi (April 20), 9 p.m. on GTV.
Ipapasyal ni Vicky at ng certified Korean culture fanatic na si Shaira ang viewers sa Jeollanam-do, ang bagong popular na travel destination sa South Korea.
Una sa travel checklist nina Vicky at Shaira ang Purple Island kung saan halos lahat ng makikita ay color purple dahil sa inspirasyon mula sa isang klase ng bulaklak na tumutubo rito. Ibibida nila sa viewers ang ganda ng lugar na hindi dapat palagpasin ng mga turista sa South Korea. Abangan ang magiging karanasan ni Shaira sa islang siguradong mamahalin ng BTS fans gaya niya!
Dahil isang coastal region ang Jeollanam-do, mayaman ito sa mga seafood. Kaya naman, hinamon ng “Good News” team sina Vicky at Shaira para kumain ng sikat na marinated crab o hilaw na crab na tinimplahan ng chili sauce o soy sauce. Hindi dapat palagpasin ng mga Kapuso ang reaksyon ng dalawa sa kakaibang karanasang ito.
S’yempre, ipapasyal din nila ang viewers sa shoot location ng K-drama na “Hotel Del Luna,” pati na rin sa park nilang katumbas ng Luneta Park.
Para makumpleto ang karanasan, ibibida nina Vicky at Shaira sa viewers ang indoor art museum at outdoor art resort. Siguradong unforgettable ang resort tour para sa dalawa dahil dito ibinahagi ni Shaira ang love story nila ng kanyang fiancé at co-Sparkle artist na si EA Guzman.
At para talagang maging unforgettable ang 13th anniversary ng “Good News,” kinuha rin ni Shaira ang pagkakataon para tanungin si Vicky kung maaari siyang maging ninang sa kasal nila. Ano kaya ang magiging sagot ng “Good News” host sa katanungang ito?
Sumama sa Jeollanam-do at alamin ang magiging kasagutan ni Vicky sa tanong ni Shaira sa anniversary episode ng “Good News” ngayong Sabado (April 20), 9 p.m. sa GTV! Mapapanood ito ng Global Pinoys sa international channel na GMA News TV.
(ROHN ROMULO)
-
Utang ng Pinas, lumobo sa P14.35 trilyon
LUMOBO pa sa P14.35 trilyon ang utang ng Pilipinas nitong katapusan ng Agosto. Sinabi ng Bureau of Treasury (BoT) na ang kabuuang utang ng bansa ay tumaas ng P105.28 bilyon o 10.7 percent mula noong Hulyo dahil na rin sa pagbaba ng piso mula 54.834 hanggang 56.651 laban sa dolyar. Sa […]
-
MMDA, nagpaalala sa publiko kaugnay sa matinding trapiko simula ngayong araw
NAGPAALALA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na dapat asahan ang matinding trapiko sa 27th Asean Labor Ministers’ meeting simula Oktubre 25, ngayong araw. Nauna nang inihayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang Asean event ay gaganapin hanggang Oktubre 29 sa Taguig City. Sa pagsasagawa ng kaganapan, inaasahang […]
-
Australia, mamumuhunan ng $20M para palakasin ang justice system ng Pinas
SINABI ng Australian government na maglalaan ito ng $20 million investment para suportahan ang gobyerno ng Pilipinas sa pag-reporma ng sistema ng hustisya sa bansa. ”The Prime Minister also announced a new $20 million investment to support the Philippines to reform, and improve access to, its justice system,” ang nakasaad sa media release […]