• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dayuhang estudyante sa Pinas, sasailalim pa rin sa govt. intel

SINABI ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga dayuhang estudyante  na may hawak na student visa ay  sasailalim parin  sa government intelligence investigation kung may ginagawang illegal activities.

 

 

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco na ayon sa batas, ang isang dayuhan na nakakuha ng student visa  ay maari pa ring sumailalim sa pagsusuri ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at  National Bureau of Investigation (NBI) sa kanilang mga aktibidades “which appear to be inimical to the security of the State”.

 

 

Sinabi ni Tansingo na ayon sa Executive Order No. 285, s. 2000, na nakapaloob sa batas ng inter-agency committee on foreign students  na ang BI ay bahagi ng inter -agency na pinamumunuan ng Commission on Higher Education (CHED), kasama ang NBI, NICA, Department of Foreign Affairs (DFA), at  Department of Education (DepEd).

 

 

Sa naturang batas, klinaro ni Tansingco na ang BI ay maaari lamang makapag-isyu ng student visa sa isang dayuhan kung iniendorso ito ng isang lehitimong eskuwelahan at ng CHED.

 

 

Dagdag pa nito na ang isang eskuwelahan na tumatanggap ng isang dayuhang estudyante ay inoobliga na magsumite ng regulan na ulat sa BI na siyang mag-monitor ng kanilang visa compliance , habang ang CHED ang nagsiguro sa pagpapatupad ng education -related policies at ang NICA ang magsasagawa ng imbestigasyon sa kanilang kaduda-dudang aktibidades.

 

 

Ayon kay Tansingco na sa taon 2023, may kabuuang 1,516 na mga Chinese national ang nabigyan ng student visa sa Cagayan na lahat ay inendorso ng isang unibersidad, Gayunman, tinatayang 400 na mga Chinese national ang nakikita on-site kung saan ang eskwelahan ay nag iimplement ng distance learning.

 

 

Naniniwala si Tansingco na posibleng ang pagtaas ng bilang mga mga estudyante ay dahil sa post pandemic at marketing strategies ng mga eskuwelahan at pagpapalakas ng turismo.

 

 

“The national government has actively promoted the country as an education hub in Asia,” ayon kay  Tansingco.

 

 

“We hope that these concerns do not scare away legitimate students whose stay in the country could greatly help re-boost our economy,”  dagdag pa nito. GENE ADSUARA

Other News
  • OMICRON NAKAPASOK NA SA PINAS, 2 KASO NATUKOY

    KINUMPIRMA  ng Department of Health (DOH),  University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at  University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) ang dalawang kaso ng  Omicron (B.1.1.529) variant of concern sa bansa .     Ayon sa DOH, ito ay natukoy mula sa 48 samples na na-sequence ng PGC kahapon, Dec.14. […]

  • DINGDONG, happy and proud na binahagi ang katuparan ng dream nila ni Mommy ANGELINE

    SOBRANG nakaka-touch pinost ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa kanyang social media accounts, ilang araw bago ang selebrasyon ng Mother’s Day sa buong mundo.     Last year, isang short film ang ginawa ni Dingdong para bigyang pugay ang lahat ng mga ina, kasama na ang asawa na si Marian Rivera-Dantes, na featuring sa […]

  • Dahil sa kawalan ng trabaho at problema sa pamilya, kelot nagpakamatay

    ISANG 33-anyos na lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sarili dahil umano sa depresyon dala ng kawalan ng trabaho at problema sa pamilya sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Malabon Police Sub-Station 3 commander P/Maj. Carlos Cosme ang biktima na si Charie Odtuhan ng No. 9 Camia […]