• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tsina, sinusubukan na pagwatak-watakin ang mga Filipino gamit ang iginigiit nitong “gentleman’s agreement”- NSC

SINABI ng National Security Council (NSC) na ang salaysay ng Beijing ukol sa sinasabing ‘gentleman’s agreement’ sa West Philippine Sea (WPS) ay nakagagambala, nakalilito at naglalayon na pagwatak-watakin ang mga mamamayang Filipino.
Kapuwa inihayag ng Tsina at ni dating presidential spokesperson Harry Roque, na ang sinasabing pagkabigo ng Pilipinas na sumunod sa di umano’y kasunduan na huwag magsagawa ng anumang pagkukumpuni sa nakasadsad na BRP Sierra Madre ang nagpaigting sa tensiyon sa West Philippine Sea — bahagi ng South China Sea na nasa loob ng exclusive economic zone at continental shelf ng Pilipinas.
“The President has been very clear: This administration is not aware of any secret or gentleman’s agreement and if there was such done under a previous administration, the same has been rescinded,” ayon kay National Security Adviser Eduardo Año.
Sakali aniya na may nabuo ngang kasunduan, sinabi ni Año, “it is the responsibility of those responsible for it” para ipaliwanag sa mga mamamayang Filipino na ang kasalukuyang administrasyon ay hindi nakatali rito.
Ang pahayag na ito ni Año ay matapos sabihin ng Chinese Embassy sa Maynila na inabandona ng administrasyong Marcos ang bagong kasunduan sa Beijing ukol sa Ayungin Shoal.
“This new model is nothing more than an invention,”ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya.
“The propaganda masters at the Chinese Embassy are clearly working overtime to sow discord and division in our country for one purpose alone: to show that the Philippines is the one sowing tensions and conflict in the West Philippine Sea,” aniya pa rin.
“President Ferdinand Marcos Jr. and his administration “can never agree to any understanding that violates our understanding of our territory and international law,” lahad nito sabay sabing
“Kung ano man ang sinasabi ng Chinese Embassy, let’s take it with a grain of salt. These are the same people who said that the entire South China Sea is theirs.”
Nauna rito, inamin ni Duterte ang kasunduan kay Chinese President Xi Jinping na magkaroon ng “status quo” sa WPS o walang gagalawin o babaguhin sa estado ng mga pinag-aagawang teritoryo sa naturang bahagi ng karagatan.
“The only thing I remember was that status quo… No movement, no armed patrols there. As is, where is, para hindi tayo magkagulo,” ayon kay Duterte.
Pumiyok din ang dating pangulo sa naging pahayag ng kanyang dating tagapagsalita na si Atty. Harry Roque tungkol sa pagbabawal na magdala ng construction materials sa BRP Sierra Madre na nakahimpil malapit sa Ayungin Shoal.
“As is, where is nga. You cannot bring in materials to repair and improve. Wala `yan,” sabi ni Duterte. (Daris Jose)
Other News
  • Bulacan gob, pinaalalahanan ang publiko na manatiling mapagmatyag sa dengue

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pinaalalahanan ni Gob. Daniel R. Fernando ang publiko na maging mapagmatyag sa dengue na hindi na lamang sakit na pangtag-ulan kundi pang buong taon na.     Ito ay sa kabila ng naitalang pitong porsyentong mas mababang kaso sa lalawigan kumpara sa nakalipas na taon.     Ayon sa Epidemiology and Disease […]

  • Honeymoon nina ALEX at MIKEE sa Amanpulo, sobrang saya kahit naging ‘familymoon’

    AFTER a week na ni-reveal ni Alex Gonzaga na naganap ang simple wedding ceremony nila ni Mikee Morado sa kanilang bahay sa Taytay, Rizal last November 2020, may bago na namang ibinahagi ang tv host/actress/vlogger sa kanyang followers.     Pagkalipas ng dalawang araw na sila’y naikasal, lumipad ang newly weds papuntang Amanpulo kasama ang […]

  • Cone nagpasalamat sa Ginebra fans

    NAGPASALAMAT si Barangay Ginebra head coach Tim Cone sa solidong suporta ng fans na hindi bumitiw sa bawat laban ng Gin Kings.     Isang panalo na lamang ang kailangan ng Gin Kings para makapasok sa best-of-seven semifinal series ng PBA Governors’ Cup.   Nakuha ng Ginebra ang Game 2 laban sa Meralco nang kubrahin […]