• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Honeymoon nina ALEX at MIKEE sa Amanpulo, sobrang saya kahit naging ‘familymoon’

AFTER a week na ni-reveal ni Alex Gonzaga na naganap ang simple wedding ceremony nila ni Mikee Morado sa kanilang bahay sa Taytay, Rizal last November 2020, may bago na namang ibinahagi ang tv host/actress/vlogger sa kanyang followers.

 

 

Pagkalipas ng dalawang araw na sila’y naikasal, lumipad ang newly weds papuntang Amanpulo kasama ang kanyang mga magulang, sister na si Toni Gonzaga, brother-in-law na si Paul Soriano at nephew na si Seve na kung saan apat na araw silang nag-enjoy sa fabulous and expensive island, na binabalik-balikan ng mayayaman dahil sa pristine white sands.

 

 

Ito nga ang kauna-unahang trip nila bilang married couple at kasama nga ang buong pamilya at sa vlog na pinost ni Alex last January 23 ang ‘honeymoon’ at pinalitan niya ng ‘familymoon.’

 

 

Pagkadating na pagkadating nila sa Amanpulo, nag-tour agad si Alex sa kanilang bedroom ni Mikee na kung saan magaganap ang kanilang ‘honeymoon’.

 

 

Sa kanilang private moment, pinasilip ni Alex kung paano niya kukunin ang atensyon ng asawa habang naglalaro ng favorite mobile game nito na ‘Call of Duty.’

 

 

Nakaaaliw din ang mga pagpapakita ni Alex ng nakalululang presyo sa menu, kaya naman may tips siya para makaiwas sa mamahaling pagkain at inumin sa Amanpulo, umiwas daw sa merienda at wag bumili ng anumang fruit juices.

 

 

Day 2, habang nagbo-boat ride sila sa buong isla, binahagi ni Alex, “Sa totoo lang dahil hindi naman kami mahilig sa beach ni Mikee, hindi ito magiging super sayang experience without mommy at daddy kasama si Seve. Thank you Lord for this wonderful trip for me and my parents and of course my man, my husband.

 

 

Day 3, dahil nga kasama ang pamilya, nakuha talaga ni Alex na maka-bonding ang kanyang daddy, mommy at sister niya habang nagha-honeymoon sila ng asawa. Dahil nagpaubaya sina Mikee at Paul sa kanilang free massage, ang mag-anak na lang ang gumamit.

 

 

Sa huling gabi nila sa mamahaling isla, nagpahanda naman ng bonggang dinner by the beach ang asawa ni Toni para newlyweds.

 

 

Nagsayaw sina Alex at Morada habang may kumakanta ang “You’re Still the One” ni Shania TwainNagsubuan din sila ng cake at siyempre may pa-flowers din.

 

 

Kitang-kita talaga ang sobrang saya ni Alex dahil nakasama na si Mikee sa kanilang family vacations na matagal na niyang pinapangarap.

 

 

“Dati pinapangarap ko lang talaga makasama si Mikee sa family vacation namin. Kaya right after our wedding, I planned this family trip dahil papayag na sila mommy dahil kasal na kami,” pag-amin niya.

 

 

Of course, hindi pa rin nakalimutan ni Alex pasalamatan ang kanyang milyung-milyon na YouTube subscribers, “I am sharing this to all of you netizens. Because of your support, I was able to bring my whole family here in Amanpulo. Thank you for all the love and for joining me in this journey. Love you all from the Gonzagas, Sorianos and Moradas.”

 

 

Samantala, habang na sa beach club noong Day 1, may pinagdiskitahan na two wooden statue si Alex at hinipo-hipo, sabay sabing, “ito ang mangyayari sa ‘yo, after mo dito sa Amanpulo, mabubuntis ka!”

 

 

Well, magkatotoo kaya ang sinabing ito ni Alex, for sure yan naman ang aabangan ng mga followers.

 

 

Ang latest vlog ni Alex ay umabot na higit na 4 million views na puwedeng balik-balikan sa https://www.youtube.com/watch?v=-99rpImPYEs. (ROHN ROMULO)

 

Other News
  • Russia, hindi papayagan ng Amerika na bayaran ang utang gamit ang mga dolyar na naka-imbak sa US banks

    HINDI  na papayagan ng US ang Russia na bayaran ang utang nito gamit ang mga dolyar na nakaimbak sa mga bangko ng Amerika, isang pagbabago na naglalayong magdagdag ng presyon sa Moscow.     Sinabi ng press secretary ng White House na si Jen Psaki na layunin nito ay upang maubos ang mga mapagkukunang pinansyal […]

  • ‘Never-say-die spirit’ buhay na buhay – Cone

    MARAMI ang nag-akalang hindi maidedepensa ng Barangay Ginebra ang kanilang korona dahil sa pagiging No. 6 team matapos ang elimination round at ilang injuries sa mga key players.     Ngunit noong Biyernes ng gabi ay muling tinalo ng Gin Kings ang Meralco Bolts sa championship series para pagharian ang PBA Governors’ Cup sa ikaapat […]

  • Surfing champion ng El Salvador patay matapos tamaan ng kidlat

    Patay matapos tamaan ng kidlat ang 22-anyos na surfing champion ng El Salvador na si Katherine Diaz.     Ayon sa surfing federation ng El Salvador, nasa gitna ng El Tunco ang 22-anyos na surfing champion ng tamaan ng kidlat     Hindi na naagapan ang buhay ng biktima ng ito ay dalhin sa pagamutan. […]