• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Malakanyang, pagsisikapan na makamit ang zero hunger, food security

PAGSISIKAPAN ng gobyerno na tuldukan ang pagkagutom at tiyakin ang food security sa Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Marcos.

 

 

Kaya nga ang panawagan ng Malakanyang ay government-wide approach para mapagtagumpayan ang hangarin ng pamahalaan.

 

 

Base sa two-page Memorandum Circular No. 47 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Abril 19, inatasan ang lahat ng ahensiya ng gobyerno at instrumentalities at lahat ng local government units na suportahan ang implementasyon ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Program.

 

 

Ang EPAHP ay isang programa ng Task Force on Zero Hunger, na naglalayong “to institutionalize efforts to mitigate hunger and promote food and nutrition security by linking community-based organizations to prospective markets and providing credit assistance to support food production, processing and distribution.”

 

 

“It is imperative for all government agencies and instrumentalities to support the continuous and effective implementation of the EPAHP Program to bolster government efforts towards attaining zero hunger, food and nutrition security, and sustainable agriculture,” ang nakasaad sa MC.

 

 

Sa ulat, tumaas ang bilang ng mga pamil­yang Pinoy na nagugutom makaraang makapagtala ito ng  12.6 percent, batay sa la­test survey ng Social Weather Stations (SWS).

 

 

Ang naturang percentage ng involuntary hunger rate noong Dis­yembre  ay mas mataas sa 9.8 percent noong September 2023.

 

 

Sa nakalipas na tatlong buwan, iniulat ng SWS na ang insidente ng pagkagutom ay umakyat ng 5.3 puntos sa Mindanao, 4.0 puntos sa Balance Luzon, at 2.6 puntos sa Visayas samantalang 4.6 puntos sa Metro Manila.

 

 

Sa layuning kagyat na matugunan ang pagkagutom, inatasan ang task force na tiyakin ang patuloy at epektibong implementasyon ng EPAHP Program, at magsagawa ng hakbang sa pakikipagtulungan sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan.

 

 

Kabilang sa mga hakbang na ito ay ang palakasin ang “institutional feeding programs ng partner agencies; palawigin ang credit assistance para suportahan ang food production, processing, at distribution sa partnership kasama ang government financial intuitions; at link participating CBOs sa mga prospective markets.”

 

 

May mandato naman ang task force na paigtingin ang probisyon ng farm production technologies at ekstensyon ng serbisyo sa government-assisted family farms at rural based-organizations; at palakasin ang pagpapanatili sa EPAHP Program sa pamamagitan ng implementasyon ng mga polisiya na makauugnay sa pribadong sektor at i-institutionalize ang mean ismo sa LGUs.

 

 

Inatasan din ito na i-adopt ang Community Participation Procurement para hikayatin ang CBOs na magpartisipa sa EPAHP program; at magtatagk, magkumpuni at ayusin ang ‘irrigation facilities at appurtenant structures’ sa irrigable areas sa bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Kumpiyansa si Delos Santos sa all-Filipino Cignal vs F2

    Ang Cignal ay gumawa ng isang nakakagulat na hakbang upang simulan ang laban nito laban sa F2 Logistics sa Premier Volleyball League Reinforced Conference noong Sabado.   Ang HD Spikers ay naging All-Filipino sa unang set, na napatunayang epektibo nang sila ay sumugod sa 25-21 opener laban sa Cargo Movers kung saan si Lindsay Stalzer […]

  • Kasunduan para masilip ng mga health expert ng bansa ang resulta ng mga clinical trials ng AstraZeneca, tinintahan na

    TULUY-tuloy ang pakikipag-usap ng Department  of Science and Technology (DoST) sa AstraZeneca, makaraang sabihin na muli silang magsasagawa ng panibagong clinical Trial dahil sa paiba-ibang resulta ng kanilang bakuna laban sa Covid-19.   Sa katunayan, ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST sa Laging Handa […]

  • Valenzuela LGU nagbigay ng P5M halaga ng bigas sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro

    NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng VC Cares Plus Program ng P5 milyon halaga ng bigas sa probinsya ng Oriental Mindoro at ilang mga munisipalidad na lubhang naapektuhan ng kamakailan. Pinangunahan ang VC Cares Team ni Senator WIN Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, at City Social Welfare Operations Chief of Staff, Ms. […]