• March 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kasunduan para masilip ng mga health expert ng bansa ang resulta ng mga clinical trials ng AstraZeneca, tinintahan na

TULUY-tuloy ang pakikipag-usap ng Department  of Science and Technology (DoST) sa AstraZeneca, makaraang sabihin na muli silang magsasagawa ng panibagong clinical Trial dahil sa paiba-ibang resulta ng kanilang bakuna laban sa Covid-19.

 

Sa katunayan, ayon kay Dr. Jaime Montoya, Executive Director ng Philippine Council for Health Research and Development ng DOST sa Laging Handa briefing na nagkaroon na sila ng confidentiality data agreement signing sa AstraZeneca para payagan  ang Vaccine Expert Panel ng bansa na matingnang mabuti ang datos na kanilang  isusumite sa Pilipinas batay sa isinagawa nilang Phase 1 at Phase 2 clinical trial.

 

Bukod dito, sinabi ni Dr. Montoya  na mayroon na ring ikinakasang phase 3 clinical trial ang Astrazeneca Biopharmaceutical company sa Pilipinas.

 

Kumbinsido si Montoya na isa itong pagkakataon para maberipika kung ano pa ang mga maaaring katanungan na ibibigay sa kanila ng mga Press  at ng iba’t ibang tao  ukol sa  resulta ng kanilang Phase 3 Clinical Trial.

 

Magugunitang,  noong Biyernes, pumirma na ng 600-million deal ang pamahalaan ng Pilipinas para sa isang tripartite agreement aa pagitan ng mga pribadong sektor at AstraZeneca upang madala na sa Pilipinas  sa second quarter ng susunod na taon ang kanilang COVID-19 vaccine. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • May milagro kay Black

    NAGAGALAK at pasalamat si incoming Meralco sophomore professional Aaron Black sa pagkakasama niya top five candidates para sa Outstanding Rookie award ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) 2020 Online Awards sa darating na Linggo, Enero 17.   “Definitely an honor to be considered as one of the better rookies of the (Philippine Cup) bubble,” litanya […]

  • LTFRB: May libreng sakay puntang PITX, NLET

    SINIMULAN ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng mga pampublikong transportasyon papuntaSng mga terminals ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) at North Luzon Express Terminal (NLET). Ang programa ay kasama sa third leg ng service contracting ng pamahalaan kung saan ang mga pampublikong transportasyon ay […]

  • Lim pakay pumuwesto sa Summer Olympic Games

    AASINTA si Jamie Christine Lim ng ticket sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na inurong lang ng July 2021 dahil sa Covid-19 sa paglahok sa World Karate Federation (WKF) Olympic Qualification Tournament 2021 sa Paris, France sa darating na July 11-13.   “Mahirap ang kompetisyon. Hindi dapat magkamali roon,” lahad Miyerkoles ng 22-taong gulang, may taas […]