• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Habang pursigido talaga si Alden… DONNY, balitang type ding ligawan si KATHRYN pero naudlot

HIWALAY na raw sina Kim Chiu at Paulo Avelino.

 

O di ba? Wala namang inamin ang mga bida ng ‘Linlang’ at ‘What’s Wrong with Secretary Kim’, ay naghiwalay na raw, huh!

 

Ito ang tsikang tinawag pa sa amin ng isang insider na taga-Dos na kapwa malapit kina Paulo ay Kim.

 

Ayon pa sa kausap namin ay nagkaroon daw ng kumprontasyon ang dalawa na humantong daw sa hiwalayan.

 

Hindi lang malinaw kung ano raw ang dahilan sa hiwalayan ng dalawa.

 

Wala namang binanggit ang source namin kung sino kina Kim at Paulo ang unang tumapos sa relasyong hindi naman nila inamin sa publiko.

 

Well, may kinalaman kaya dito ang napabalitang masugid na manliligaw daw ngayon ni Kim na si Atty. Oliver Moeller?

 

Well, your guess is as good as mine.

 

***

 

SPEAKING of manliligaw, isa sa napabalitang nanliligaw daw ngayon kay Katryn Bernardo ay si Alden Richards,

 

Kasabay daw ni Alden si Jericho Rosales at Donny Pangilinan na balitang naudlot.

 

Anong say mo ngayon Daniel Padilla, huh!

 

Hindi lang isa, hindi lang dalawa, kundi tatlong bigating aktor at pinagkakaguluhang heartthrobs ang nagkandarapa ngayon na magiging kapalit sa iniwan mo DJ. huh!

 

Kinumpirma pa sa amin ng isang Kapamilya insider na sobrang decided daw ang Kapuso aktor at gagawin ang lahat maging girlfriend lang daw niya si Kathryn, huh!

 

Hindi rin naman pinagkaila ng source namin matutuloy na ang sequel ng blockbuster movie nila noon na “Hello, Love, Goodbye”.

 

Pero pinagdiinan naman ng source namin na walang kinalaman ang follow up movie ang nakikitang sobrang closeness ngayon nina Alden at Kathryn, na kung saan lahat ng mga private parties ng Kapamilya aktres ay present din ant Kapuso prime star, huh!

 

Sa totoo lang din namin sobra ang closeness ngayon nina Alden at Kath na kapansın-pansin din na nag-e-enjoy ang dalawa sa company ng isa’t isa, di ba?

 

Well, kung hahantong sa pagiging mag-sweetheart sina Alden at Kathryn well walang masama di ba?

 

Pero ngayon pa lang ay kung anu-anong negatibong ibinato kay Alden na obviously mga fans ni Daniel, huh!

 

Isa na rito ang sinasabing hindi raw kasing yaman ni Daniel si Alden, huh!

 

Well, ayon pa sa isang nakausap namin ay tahimik lang si Alden at hindi niya ipinagmamalaki ang anumang naipundar niya sa pag aartista.

 

“Isa si Alden sa may ari ng isang private school sa Laguna. May mga scholars siyang tinutulungan at bukod pa riyan, yung mga inaalagaan niyang mga street children dati, na ngayon ay binigyan niya ng maayos na buhay”.

 

“Magtanung kayo sa malapit sa tinitirhan ngayon ni Alden, may mga ari-arian siya na ikakagulat nila,” sey pa ng kausap namin.

 

Sa totoo lang din naman, hindi maglalakas loob si Alden na alukin ang Star for All Seasons sa pagsasamahan nilang pelikula, if ever pumayag si Ate Vi at siya mismo ang magpo-produce.

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Bulacan, higit na pinaigting ang contact tracing kasabay ng pagpasok ng Delta variant sa lalawigan

    LUNGSOD NG MALOLOS– Higit na pinaigting ng Provincial Task Force (PTF) on COVID-19 ang contact tracing at pinahigpit ang pagpapatupad ng Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) Strategy upang maiwasan ang lalong pagkalat ng mga kaso ng COVID lalo na ngayon na pumasok na sa lalawigan ang mas nakakahawang variant ng virus.     Kinumpirma ni Gobernador Daniel R. Fernando na dalawang kaso ng […]

  • Janine, ka-level na ni Nora sa pagiging best actress sa Gawad Urian

    GABI ng mga baguhan ang 43rd Gawad Urian na ginanap noong Tuesday night.   First time winners sina Janine Gutierrez, nahirang na Best Actress para sa Babae at Baril which took the lion’s share of the awards, at si Elijah Canlas who was named Best Actor for Kalel, 15.   Unang nominasyon nina Janine at […]

  • Wala nang SAP sa 2021 budget – DBM

    Wala nang ilalaan na pondo ang gobyerno para sa pamamahagi ng ayuda sa ilalim ng panukalang pambansang pondo para sa taong 2021.   Ito ang nilinaw ni Budget Secretary Wendel Avisado sa pagsisimula sa pagtalakay ng House Committee Appropriations ni Sen. Sonny Angara sa P4.5 trillion national budget para sa susunod na taon.   Sa […]