• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbawi sa Overseas Deployment Ban, malabo-Malakanyang

TINIYAK ng Malakanyang na hindi babawiin o ili-lift  ng Pilipinas ang overseas deployment ban sa mga healthcare workers sa hinaharap dahil sa COVID-19 pandemic.

 

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, ang deployment ban ay mananatili sa kabila ng pagsalungat ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., na nakipagtalo na ang pagbabawal sa mga doktor, nurse at iba pang medical professionals mula sa pagta-trabaho sa ibang bansa ay  unconstitutional.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na ipinatupad ni Pangulong Rodrigo  Roa Duterte ang deployment ban para protektahan ang kalusugan at buhay ng mga  Filipino healthcare workers at paigtingin ang  medical manpower ng bansa sa gitna ng pandemiya.

 

“Napag-usapan po ‘yan sa IATF [ Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases] and we all concurred with the opinion of the President except for Secretary Locsin,” ayon kay Sec. Roque.

 

“The President encourages free thought even among Cabinet secretaries especially on matters that do not fall within their primary jurisdiction,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

 

At nang tanungin kung darating ang panahon na ili-lift ng bansa ang  travel restrictions sa  medical professionals ay sinabi ni  Sec. Roque : “Wala po siguro.”

 

Noong nakaraang linggo, hinikayat ni Sec. Roque ang mga health workers na gumawa muna ng karanasan sa bansa sa pamamagitan ng paga-apply para sa posisyon sa ilalim ng  COVID-19 emergency hiring program ng pamahalaan.

 

“And by equipping/acquiring themselves with the skills and competence their profession entails, they have not only helped our people during this time of global health emergency crisis, but they, too, would have been provided the work experience that would open doors for opportunities for overseas employment,” ang pahayag ni Sec. Roque.

 

Tanging ang mga  healthcare employees na mayroong government-issued overseas employment certificates (OEC) at  verified work contracts ‘as of March 8, 2020’ ay  exempted mula sa pansamantalang   deployment ban sa medical at allied health workers.

 

Exempted din sa ban ang mga nagbabakasyon lamang na  health workers  na may existing job contracts sa ibang bansa. (Daris Jose)

Other News
  • US, nangako na tutulong sa oil spill cleanup drive-Galvez

    SINABI ni Defense chief Carlito Galvez  na nangako ang gobyerno ng  Estados Unidos na  tutulong sa  cleanup drive sa oil spill sa Oriental Mindoro.     Iniulat ni Galvez kay Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. na nangako si  US Secretary of Defense Lloyd Austin  na magde-deploy ng naval units para  tumulong sa cleanup operation sa nasabing […]

  • Foreign trips ni PBBM nagbubunga ng 43% sa P175.7-B investments na inaprubahan ng PEZA

    NAGBUBUNGA  na ang mga nakuhang investments ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., mula sa kaniyang mga biyahe sa abroad.     Ayon kay Philippine Economic Zone Authority (PEZA) Director General Tereso “Theo” Panga ang investment na nakuha ng Pangulo mula sa mga foreign investors ay halos kalahati ng kabuuang pamumuhunan na inaprubahan ng PEZA na P75 […]

  • Ilang mga Senador, planong taasan ang 2025 budget ng OVP

    Pinaplano ng ilang mga Senador na dagdagan pa ang budget ng Office of the Vice President (OVP).   Batay sa unang inaprubahan ng House of Representatives, nasa P733 million ang magiging budget sana ng OVP para sa 2025.   Gayunpaman, sinabi ni Senator Joel Villanueva na tinitignan nila ang posibilidad ng pagtaas sa naturang budget. […]