• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Backpacker’, nagbayad ng P30K upang illegal na magtrabaho sa online gaming sa Thailand

NASABAT ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  Terminal 3 ang isang 29-anyos na biktima ng trafficking ng tinangka nitong lumabas ng bansa  patungong Thailand.

 

 

Ayon sa BI’s immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) na sinabi ng biktima na mag-isa lamang ito bibiyahe bilang isang turista sa Thailand kung saan nagpakita ng round trip ticket   at identification card na nagtatrabaho sa isang manpower agency sa Pilipinas.

 

 

Subalit sa primary inspection pa lamang ay nakitaan na ng pabago-bagong  salaysay kaya ini-refer siya  ng secondary inspection pero sa isinagawang inspection  ay lumalabas na peke ang kanyang return ticket dahilan upang aminin nito na wala siyang planong bumalik  dahil magtatrabaho siya sa isang online gaming company sa Thailand.

 

 

Dagdag pa nito na ni-recruit lamang siya ng isang babae sa pamamagitan ng Telegram kung saan nagbayad siya ng halagang P30,000.

 

 

Sinabi ni I-PROBES Chief Bienvenido Castillo, III na ito ay isa nanamang kaso ng catpishing kung saan ang biktima ay pinangakuan ng trabaho sa online gaming na nauuwi sa pagiging scammers sa ibang bansa.

 

 

Paliwanag  ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang catpishing bilang isang online gaming ay isa nang malaking problema sa rehiyon sa Asya.

 

 

Ang modus operandi  nito ay nag-iimbita  sila na magtrabaho sa isang call center online gaming  pero nauwi   bilang catpishers kung saan ang target nila ay mga western men sa online dating apps at niloloko nila upang mag-invest sa isang  pekeng cryptocurrency accounts. GENE ADSUARA

Other News
  • Reyes, Torre aawra sa 2nd Pro Sports Summit

    MAKIKIISA sina world 9-ball at four-time 8-ball billiard champion Efren Reyes at Chess Olympiad silver at four-time bronze winner Grandmaster Eugenio Torre sa Games and Amusement Board (GAB) 2nd Professional Sports Summit Zoom Teleconferencing & Facebook live 2020 sa Sabado, Disyembre 5.   “Hindi naman kasi porke pandemic ay hihinto na ang GAB so we […]

  • Mga proyektong may kinalaman sa crime monitoring activities, irerekomenda ng DILG

    IREREKOMENDA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa incoming officials ng departamento ang mga proyektong may kaugnayan sa crime monitoring activities.     “Nasa sa kanila na po ‘yun kung gusto nilang ipagpatuloy pero highly recommended po ‘yun, kung nasimulan lang sana ng maaga nung 2019 dapat patapos na ‘yan today,’’ayon kay […]

  • 51 LONG-TERM PARTNERS KINASAL SA LIBRENG KASALAN BAYAN SA NAVOTAS

    UMABOT sa 51 long-term partners ang nagpakasal sa mass wedding na inorganisa ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco na sinaksihan ni Cong. Toby Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, at mga miyembro ng konseho ng lungsod.     Ang Kasalang Bayan, na regular na ginagawa sa Araw ng mga Puso […]